Muling napatunayan ang husay ng mga Pilipino sa Linda Walker, Heiress Na Nanalo Gamit Ang Talino, ang Tagalog-dubbed version ng short Chinese vertical drama series na The Heiress Who Won With Brains.
Naging madali na para sa mga Pilipino ang panonood sa phenomenal Chinese drama series na nagpasikat sa fictional character ni Linda Walker.
Isinalin na kasi sa Tagalog ang pagsasalita ng mga tauhan kaya mas madali nang naiintindihan ang kuwento at hindi na nalilito sa pagbabasa ng English subtitles ang manonood.
Nakuha ng The Heiress Who Won With Brains ang atensiyon at interes ng mga Pilipino dahil sa kuwento tungkol kay Linda.
Imbes na maghiganti, ginamit ni Linda ang talino sa pag-aaral para patunayan sa sariling mga magulang at kapatid na umapi sa kanya na nagkakamali sila sa pagkakakilala sa kanya.
Read: VIRAL: Bakit trending sa Pilipinas si Linda Walker?

WHY FILIPINOS LIKE THE HEIRESS WHO WON WITH BRAINS?
Popular na panoorin sa TikTok, YouTube, at Daily Motion ang The Heiress Who Won With Brains.
Gustung-gusto ng maraming Pilipino ang kuwento na pamilyar na pamilyar sa kanila at madalas na tema ng mga teleserye—ang dalawang bagong silang na sanggol na ipinagpalit kaya nagkaroon ng marangyang pamumuhay ang hindi tunay na anak at ang paglitaw ng biological child, sa katauhan ni Linda, para makapiling ang pamilya at makabawi sa panahong nawala sa kanya.
Kahit isang fictional character si Linda, nagsilbi siyang inspirasyon sa maraming kabataan dahil sa kabila ng mga pang-aapi at pagmamaliit sa kanyang pagkatao, pinili niyang gamitin ang angking katalinuhan, hindi ang karahasan o paghihiganti, sa paglaban.
Nagustuhan din ng mga sumusubaybay sa The Heiress Who Won With Brains ang conflict sa pagitan nina Linda at Nancy Lewis, ang sanggol na ipinalit sa kanya na lumaking mapagpanggap at ginagawa ang lahat para hindi mapamahal si Linda sa mga tunay na magulang at kapatid nito.
Ang phenomenal success ng The Heiress Who Won With Brains ang dahilan kaya nakilala at popular ngayon sa Filipino viewers ang 21-year-old Chinese actress na si Zhang Yingfei.
Siya ang gumanap sa karakter ni Linda Walker, ang mag-aaral na nakakuha ng 719 score sa mock exam kaya iniidolo ng mga kabataan ang kanyang fictional character.
Read: Daniel Fernando, lumabas na sa publiko; walang bakas na bugbog-sarado
View this post on Instagram