Hindi namamaga, hindi bugbog-sarado, at walang anumang pasa sa mukha ang aktor at Bulacan governor na si Daniel Fernando nang magpakita ito sa isang pagtitipon sa Bulacan Capitol Gymnasium nitong Pebrero 26, 2026.
Sumipot si Fernando sa general assembly ng Tulong Pang-Edukasyon Para Sa Bulakenyo na dinaluhan ng mga kababayan niya.
Live itong napanood sa kanyang Facebook page.
Read: Did Edu Manzano hard launch new girlfriend at EDSA 40 prayer rally?
MON TULFO'S POSTS ABOUT GOV. DANIEL FERNANDO
Ang pagdalo at pagpapakita ni Fernando sa publiko ang pruwebang hindi totoo ang balitang hindi siya lumalabas dahil sa pananakit umano sa kanya ng isang mataas na opisyal—isang mabigat na paratang ng veteran broadcast journalist na si Ramon Tulfo.
Kaugnay ito ng road rage at harassment incident na kinasangkutan umano ni Fernando at ng presidential son na si Vinny Marcos na nangyari sa North Luzon Expressway (NLEX) noong Pebrero 21.
Read: DILG Sec. Jonvic Remulla, itinangging binantaan si Bulacan Gov. Daniel Fernando
Dalawang beses nag-post si Tulfo sa Facebook account nito tungkol sa diumano’y pambubugbog kay Fernando at pamamaga ng mukha ng aktor.
Tinawag ng broadcaster ang Bulacan governor na "dating bomba star."
Binanggit din ni Tulfo ang Scorpio Nights, na titulo ng pinagbidahang bold film ni Fernando noong 1985.
Mahabang post ni Tulfo kahapon, Pebrero 25 (published as is): "Kaya pala di lumalabas si Bulacan Gov. Daniel Fernando dahil maga ang kanyang mukha dahil ginulpi siya ng isang mataas na opisyal, ayon sa aking tweety bird.
"Gumulong-gulong daw ang dating bomba star nang pinagsusuntok siya ng opisyal na ayaw ko na lang banggitin ang pangalan.
Naglulumuhod daw si 'Scorpio Nights' boy at nagpagulpi na lang dahil sa ginawa niya sa anak ng Pangulong BBM na si Vinni Marcos, sabi ni tweet-tweet.
"Definitely hindi si BBM ang gumulpi sa kanya at hindi rin mga taga Presidential Security Command.
"Sabihin na lang natin na isang opisyal na nagmalasakit sa anak ng Pangulong BBM.
"Tinutukan kasi ng mga bodyguards ng mayabang na gobernador si Vinni at ang kanyang driver nang umoberteyk ang Toyota Land Cruiser ni Vinni sa convoy ng kumag na local official.
"Kapag itong g*g*ng gobernador ang lumalabas ay nagko-convoy ito at ayaw magpa-overtake.
"The arrogant governor’s convoy usually hogs the highway at kapag may nag-overtake ay hinahabol nila at tinututukan ng baril.
"Ginawa nila ito kay Vinni. Kinuha nila ang lisensiya at nang makita ang pangalan ay nagpulasan ang mga g*g*.
"Humingi naman daw ng tawad ang gobernador sa Pangulo sa pamamagitan ng sulat, sabi ni tweet-tweet.
"Pinatawad naman daw ni BBM ang gulpi saradong governor.
"By the way, hindi alam ni BBM na ginulpi si Fernando, ayon sa aking tweety bird.
"Kaya kayong mainitin ang ulo sa daan ay magbago na: baka kayo makakita ng inyong katapat.
Ngayong Huwbes, Pebrero 26, muling nag-post si Tulfo tungkol kay Fernando, na "binugbog-sarado ng isang high government official" ay bugbog-sarado rin daw sa social media.
Buong post ni Tulfo: "Bulacan Gov. Daniel Fernando binugbog sarado ng isang high government official.
"Bugbog-sarado pa sa social media.
"Sana magsilbing aral sa ibang opisyal at sibilyan na bawasan ang pagiging arogante sa daan baka makahanap sila ng katapat.
"Sige Gov, mag-astang hari ka pa sa daan.
"Baka sa susunod ay di lang bugbog ang abutin mo, 'Scorpio Nights' boy.
"Baka ikaw na ang tuhugin sa p*w*t."
Read: Kris Lawrence, binalikan ang pagnanakaw ng cellphone ni Alvin Aragon
THE GOVERNOR AND PRESIDENTIAL SON ALLEGED ENCOUNTER
Hindi pa naglalabas ng panig si Fernando tungkol sa Facebook posts ni Tulfo na mabilis na kumalat dahil kinopya at ginawang content ng ibang mga vlogger.
Ang mga tagasuporta ni Fernando ang nagsabing "fake news" ang social media post ni Tulfo kaya mahalagang magsalita na raw ang gobernador ng Bulacan para malaman ng publiko ang katotohanan.
Nagkaroon ng pagtatangkang ilihim sa publiko ang engkuwentro sa pagitan nina Governor Fernando at Vinny Marcos sa NLEX, pero nakumpirmang totoo ito dahil sa mga pahayag ni DILG Secretary Jonvic Remulla sa isang press conference na nangyari noong Pebrero 24.
Sinabi ni Remulla sa media conference na hindi mahalaga kung anak ng presidente ang sangkot, pero naging ugali na raw ni Fernando na okupahin ang NLEX sa tuwing bumibiyahe ito.
Bahagi ng kanyang pahayag: “It doesn’t matter if it was a presidential son or not.
"Naging ugali na ni Governor Fernando na pag nabiyahe siya ng NLEX ay apat na lane ang occupied niya na walang puwedeng mag-overtake.
“So, ang dami na naming nakuhang complaint na ganoon na masyado siyang makahari sa lugar niya."
Ikinumpara pa ni Remulla si Fernando sa sarili nang gobernador pa siya ng Cavite.
Saad niya: "Ako, labing-isang taon akong governor di ba? Hindi ko ginawa yan.
"Kaya ko bang harangin SLEX, e, di pinagmumura ako ng lahat ng tao?
"Sa kanya, sa NLEX, hinaharang niya talaga. Siya lang ang puwedeng dumaan. Daig pa niya ang presidente kung bumiyahe.
“Irregardless kung sino ang naging victim, that was wrong. Mali ung ginawa niya.”