PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alvin Aragon, inamin ang sexual experiences niya noon sa gays

Alvin Aragon: "Ang mga bading, itatapon Niya sa impiyerno."
by Jojo Gabinete
Published Feb 26, 2026
alvin aragon swat uniform
Alvin Aragon on homesexuals: "Ayaw Niyang mag-judge agad. Gusto Niyang mag-forgive. Pero kung magiging matigas ang ulo ng isang tao, ayaw talagang mag-sorry, ayaw mag-repent sa Kanya, magdya-judge talaga si God. The gays will be thrown into hell. Ang mga bading, itatapon Niya sa impiyerno."
PHOTO/S: Alvin Aragon Facebook

Trigger Warning: Description of sexual act

Ang pagpatol niya noon sa mga gay reporter, talent manager, at TV host ang mga bagong pinag-uusapang rebelasyon ni Alvin Aragon.

Hindi nagbanggit ng mga pangalan si Alvin nang magkuwento ito tungkol sa kanyang mga karanasan.

Inihingi raw niya ito ng kapatawaran, pero kasunod nito ang deklarasyong itatapon umano ng Panginoong Diyos sa impiyerno ang mga bading na nakikipagtalik sa kapwa lalake.

“Noong mga six or seven years old ako, hinila ako ng bading sa isang eskinita, tapos ipinasok niya ako sa bahay niya.

"Yun, ginamit niya ang katawan ko.

"Tapos simula noon, I allowed myself to enjoy that kind of pleasures na ibinibigay ng pakikipag-sex sa kapwa lalake,” malumanay ang boses na pagtatapat ni Alvin sa video na kanyang ibinahagi.

Kalaunan daw ay pinagkakitaan na niya ang pakikipagtalik sa mga bading.

Pagbabahagi ng StarStruck alumnus: “Nagkaroon ako ng maraming experiences sa iba’t ibang bading until pinagkakitaan ko ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tapos, napasok ako sa showbiz. Nagkaroon ako ng experiences na ka-sex ang mga bading na host, reporter, manager. Pati yung mga mayayaman na bading."

Read: StarStruck alum Alvin Aragon draws backlash over anti-gay remark

ALVIN ARAGON ASKED FOR FORGIVENESS FROM THE LORD

Inakala raw noon ni Alvin na gay na rin siya dahil sa pakikipagtalik sa kapwa lalake, pero nagbago raw siya mula nang humingi siya ng kapatawaran sa Diyos.

“Because I did that always, I can say bading na rin ako, until my friend corrected me. I need to ask for forgiveness.

“I asked the Lord Jesus, forgive me. I cried out to Him. Sabi ko, 'Lord, I’m sorry.'

"I understand, the ways of the sin is death, itatapon Niya sa impiyerno yung nakikipag-sex sa kapwa lalake.

“Natakot ako kay God, nag-repent ako. Nag-believe ako sa gospel and I received forgiveness from the Lord.

"Binago Niya yung life ko simula 2009, hindi ko na yon ginagawa," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Minsan pa raw sinubok ang pananampalataya ni Alvin nang may makilala siyang undersecretary ng isang government agency.

Lahad niya: “In fact, meron pang testing. I met someone, Usec ng isang government office.

"Nag-offer ako ng video editing, advertising sa kanya.

"Parang may gusto siyang may mangyari, so I refused kung anong yung gusto niyang mangyari.

“Kahit hirap kami sa buhay. I refused at binago ako ni Lord.

"Nagkaroon ako ng family. Ikinasal ako sa isang babae, nagkaroon ako ng tatlong anak."

Read: Alvin Aragon calls out Alex, Sunshine over SexBomb reunion

ALVIN ARAGON: "THE GAYS WILL WILL BE THROWN INTO HELL"

Matapos nito ay hinikayat ni Alvin ang mga miyembro ng LGBTQIA+ na magsisi at hingin ang kapatawaran ng Poong Maykapal.

Saad niya: "Kaya sa mga grupo ng LGBT, gusto ni God mag-forgive.

"Believe in the gospel. The Bible says, 'He is slow to anger.'

"Ayaw Niyang mag-judge agad. Gusto Niyang mag-forgive.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Pero kung magiging matigas ang ulo ng isang tao, ayaw talagang mag-sorry, ayaw mag-repent sa Kanya, magdya-judge talaga si God."

Deklara pa ni Alvin: “The gays will be thrown into hell. Ang mga bading, itatapon Niya sa impiyerno.

"If you don’t stop, God will throw you to hell.”

Read: Alvin Aragon criticizes celebrity parents of LGBTQIA+ children

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BOY ABUNDA REACTS TO ALVIN ARAGON'S GAY EXPERIENCES

Ang isiniwalat ni Alvin na pagpatol sa mga gay ang dahilan kaya hiningi ng Cabinet Files ang reaksiyon ni Boy Abunda ngayong Huwebes, Pebrero 26, 2026.

Kilala ang TV host na tagapagtanggol ng mga naaagrabyadong miyembro ng LGBTQIA + community.

Pahayag ni Boy: “Kaya nga ang sinasabi ko, may vulnerability ako na nakikita kay Alvin na sa palagay ko ay tama ang pastor, na there are Christians who can be overwhelmingly passionate of their faith.

"At saka when Pastor Ng of Victory Pasay starting to talk about conviction with compassion, nauunawaan ko yon, kasi we can be very emotional.

"Tama naman yung statement ng pastor na kinonsulta namin, we should be gracious to Alvin because he‘s coming from a place of faith.

“He’s coming from a place of pananampalataya, expressing probably in a way that you and I don’t like, but hindi naman pinanggalingan ng kanyang judgment ay, halimbawa, masamang espasyo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Pastor urges public to be “gracious” toward Alvin Aragon

Sa kabila nito, pinanindigan ni Boy ang una niyang sinabi na pagtawid ng linya ni Alvin nang banggitin niya ang pangalan ng ilang celebrity parents ng LGBTQ children.

Saad niya: “Pero para sa akin, yung line na kinross niya ay when he said too many things, kay K Brosas, Ian Veneracion, si Gloc-9.

"To me, I needed to call him out. Nasaktan ako hindi lang dahil magkakaibigan kami, pero ako rin, I raised a lesbian niece.

"So ang tanong ko nga, when you named people, you’re imposing your faith on us.

“The moment you imposed your faith on us, you’re crossing a very dangerous line.

"Nasaktan ako dahil I raised my lesbian niece with love, respect, and you’re telling me based on your belief na mali ako?

"Hindi ako papayag dahil kasalanan ba ng isang magulang na akapin ang kanyang anak na LGBT with love and respect?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And yung parenting style mo, huwag mong i-impose sa amin because that belongs to you.

"Hindi ko pakikialaman yon, huwag mong pakialaman yung estilo namin sa pagpapalaki at pagmamahal sa mga anak namin.”

Read: Boy Abunda to Alvin Aragon: "You cannot impose your faith."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alvin Aragon on homesexuals: "Ayaw Niyang mag-judge agad. Gusto Niyang mag-forgive. Pero kung magiging matigas ang ulo ng isang tao, ayaw talagang mag-sorry, ayaw mag-repent sa Kanya, magdya-judge talaga si God. The gays will be thrown into hell. Ang mga bading, itatapon Niya sa impiyerno."
PHOTO/S: Alvin Aragon Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results