Hindi pinagbigyan ng netizens ang panawagan ni Carlo Aquino sa Facebook noong Pebrero 20, 2026.
Apela niya noon sa kanyang post (published as is): “pleaaaase huwag niyo na ipost or irepost yung kinakausap ni god. Ayoko na siya makita sa feed ko”
Pero lalo umanong dumami ang nag-tag sa kanya ng mga link na may kinalaman kay Alvin Aragon.
Read: Carlo Aquino, ayaw makita sa feed "yung kinakausap ni God"
Nakausap ng Cabinet Files si Carlo sa studio ng Fast Talk With Boy Abunda nitong Miyerkules, Pebrero 25.
“Dumaraan pa ba sa Facebook feed mo ang tao na kinakausap ni God?” tanong namin sa kanya.
“Nakarating na pala dito?” natawang reaksiyon ni Carlo.
Dagdag pa ng aktor, lalo raw nadagdagan ang mga nag-tag sa kanya ng mga social media post tungkol kay Alvin — pruweba na imbes pagbigyan ang kahilingan niya, pinaglaruan siya ng naughty netizens.
BOY ABUNDA CALLS OUT ALVIN ARAGON
Samantala, nagsalita naman ang Fast Talk host na si Boy Abunda tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ni Alvin.
Marami raw ang nagtatanong tungkol sa kanyang opinyon.
Saad ni Boy: “Sabi nga ni Pastor Ng ng Victory Church ng Pasay, ‘We should have this attitude of being gracious to Alvin,' kasi may mga bago sa kanilang faith as Christian who can be overly passionate.
"Sinabi rin po ito ni Mr. Gary Valenciano, who incidentally was one of the guests ng SexBomb concert. And it was also directed actually by Paolo Valenciano [Gary's son], who are also Christians."
Read: Pastor urges public to be “gracious” toward Alvin Aragon
Direktang pinuna ni Boy ang pagbanggit ni Alvin ng celebrity parents na tinanggap ang kanilang mga anak na miyembro ng LGBTQIA+.
Read: Alvin Aragon criticizes celebrity parents of LGBTQIA+ children
Saad ng TV host: “I’d like to be gracious to Alvin because he’s coming from a point of faith, kanyang paniniwala.
“Totoo yung kanyang paniniwala, pero para sa akin po, he crossed a line.
"Sumobra siya noong nagpangalan siya ng mga magulang, sina K Brosas, Ian Veneracion, si Gloc-9, na parang hindi tama.
“He was trying to say na hindi tama na ini-embrace nila ang kanilang mga LGBT children dahil hindi yan nakasaad sa kautusan ng Diyos.
“To me, that was an overstretch. To me, that was wrong. To me din, sumobra si Alvin.
"I’d like to call him out dahil ang hindi niya sinasabi, ang masakit, na para bang sinasabi ni Alvin na, 'Ito ang tamang parenting style. Tama kami dahil hindi namin pinapayagan, hindi namin tinatanggap.'
"And as opposed to these people na who chose to embrace and to continue to choose to embrace their children with love, with dignity, with kindness, with compassion."
Inamin ni Boy na maging siya ay apektado sa pagkuwestiyon ni Alvin sa mga magulang na tinanggap ang kanilang mga anak na miyembro ng LGBTQIA+.
Lahad niya: “And hindi lamang yung mga pinangalanan ni Alvin. Tinamaan din kami at marami pang tao na piniling mahalin ang kanilang mga anak.
“Ako, I raised my own. Ang aking pamangkin is a lesbian.
"Mabuting tao, masipag, tahimik, disenteng tao. Kaya niya humarap sa Diyos one day.
"Sabi nga niya sa akin, 'Tito, kapag tinanong ako ng Diyos kung naging mabuting tao ako, kaya kong sabihin, opo.’
“And to me, that’s a true measure of humanity.
"So, nasaktan kami dahil ang sinasabi niya [Alvin], ito ang parenting style na tama."
Read: K reacts to Alvin's remarks vs celeb parents with LGBTQIA+ kids
BOY TO ALVIN: "YOU CANNOT IMPOSE YOUR FAITH"
Sinabihan din ni Boy si Alvin na hindi nito maaaring ipilit ang kanyang paniniwala sa ibang tao dahil wala siyang karapatang saklawan ang paniniwala ng ibang tao.
“What I am trying to say, Alvin, you cannot impose your faith," sabi ni Boy.
"You cannot impose your parenting style. You cannot impose your self on us.
"Yun ang sa akin ay sobra dahil wala kang pakialam.
“At walang puwedeng humusga sa amin. Walang puwedeng magsabi sa amin. Not you. Not anyone.
"Kung iba ang iyong paniniwala, iba ang iyong faith, sobra ang paggalang ko sa iyo.
“As a matter of fact, pagdating nila dito, I found Izzy really beautiful, inside and out.
"Alvin was so funny, with a wonderful experience with him."
Nainterbyu ni Boy si Alvin at asawa nitong si Izzy Trazona sa kanyang programa noong Pebrero 10, 2026.
Kinontra rin ni Boy ang paniniwala ni Alvin na ang lahat ng mga bakla ay mapupunta sa impiyerno.
Aniya: “Pupunta ba kami sa impiyerno because I am queer? Pupunta ba ako sa impiyerno because I am gay?
"At pupunta ba ang mga magulang na yumayakap sa kanilang mga anak with love and dignity?
“Hindi kami pupunta ng impiyerno because, ako, I believe in a God who is kind.
"I believe in a God who is compassionate.
"I believe in a God who is all understanding.
"I believe in a God na makikita ang aking kalooban.
“Let me end this by saying, and I’d like to share this with Alvin....
"Sinabi ni St. John of the Cross, and listen. Ako, gusto kong pakinggan ito ni Alvin, 'In the evening of life, we will all be judged on love and love alone.'"
Read: Sofia Trazona reacts to stepdad Alvin Aragon's anti-gay remarks