Napaiyak si Rita Daniela nang banggitin nito na ang pagganap sa karakter ni Aubrey ang isa sa mga highlight ng kanyang 20-year-old showbiz career.
Ginampanan ni Rita ang katauhan ni Aubrey sa My Special Tatay, ang afternoon drama series ng GMA-7 na pinagbidahan nila ni Ken Chan at nagpasikat sa kanilang loveteam noong 2018.

“Mahirap siyang alisin sa puso ko… Si Aubrey naman napapaiyak ako,” sabi ni Rita tungkol sa karakter ni Aubrey na inilarawan niya bilang iconic bago siya napaiyak nang tuluyan.
Saad pa niya: “Aubrey opened a lot of doors for me. Hindi rin po biro yung nabuo namin ni Ken.”
Read: VIRAL: Bakit trending sa Pilipinas si Linda Walker?

RITA DANIELA ON WHY SHE LEFT SPARKLE
Gaya ng inaasahan, tinanong ng entertainment press si Rita kung ano ang dahilan ng kanyang pag-alis sa Sparkle GMA Artist Center at paglipat sa talent management agency ng Viva Entertainment, ang Viva Artists Agency (VAA).
Nilisan ni Rita ang talent management arm ng GMA Network Inc. na namahala sa kanyang showbiz career sa loob ng dalawampung taon.
Naganap ang contract signing ni Rita sa VAA ngayong Miyerkules, Pebrero 25, 2026.
Read: Rita Daniela, Viva artist na matapos umalis ng Sparkle ng GMA-7
Saad ng singer-actress: “I really just want to explore new opportunities po talaga ‘coz we all know that Viva has a lot of platforms right now and siyempre, they produce concerts, they have musicals, they do series, which is I heard… Viva Movie Box and Viva One.
"And I would really really love to try them all."
Hindi raw naging madali para kay Rita na iwanan ang nakagisnang pangalawang tahanan, ang Kapuso Network.
“Yes, hindi po madali na kahit papaano po ay umalis po ako sa Sparkle, hindi naman po sa GMA because ang Viva naman po ay open naman po sa lahat.
“I can still work po sa iba’t ibang network, pero isa po yon sa importante sa akin na gagalaw po ako sa isang lugar na alam kong it also feels home."
May kinalaman sa paglipat ni Rita sa Viva Artists Agency (VAA) ang ama niyang si Red Valdez, na dating empleyado ng Viva at sumakabilang-buhay noong Disyembre 2015.
“And malaking bagay po sa akin na my father, my late father also worked here for a long long time.
"Malaking bagay po yon sa akin na siguro kahit papaano, kapag nandito ako, alam kong kasama ko siya,” paliwanag ni Rita.
Iginiit na hindi ito umalis sa GMA 7 at handa pa rin siya na tumanggap ng mga proyekto mula sa nabanggit na network.
“Of course, if they would still love me to do projects with them, of course, I will always say yes,” ani Rita.
Read: Kylie Padilla on dad Robin’s plan to run for VP: “Aalis na ako ng Pilipinas.”
Umaasa si Rita na matutupad ang kanyang matagal nang pangarap magkaroon ng solo concert, sa tulong ng Viva.
“I am very, very excited with that and, honestly, yung career ko po, it’s been twenty years, and I have never ever had a major solo concert, and I’m just so happy.
"Siguro nga po everything has a reason, and I think that’s the perfect timing po and alam ko po that God blessed me with this because God blessed me with great and right people para po talagang sobrang magiging special ‘yung first ever concert ko.”