PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

VIRAL: Bakit trending sa Pilipinas si Linda Walker?

Sino si Linda Walker na sikat na sikat ngayon sa netizens?
by Jojo Gabinete
Published Feb 25, 2026
Zhang Yingfei linda walker
Zhang Yingfei plays the role of Linda Walker (Lin SiWang) in the popular Chinese vertical drama series The Heiress Who Won With Brains.

Nag-trend sa X Philippines si Linda Walker.

Pero sino nga ba si Linda Walker?

Siya ang bagong karakter na kinagigiliwan ng mga Pilipinong nahihilig sa panonood ng Chinese vertical drama.

Si Linda Walker ang pangunahing tauhan sa The Heiress Who Won With Brains, ang short Chinese drama na viral sa TikTok, YouTube, at Daily Motion.

Nakuha rin nito ang interes ng mga Pinoy na mahihilig sa mga teleserye dahil tungkol ito sa mga sanggol na nagkapalit, bidang inaapi pero natutong gumanti sa mga kontrabida sa kanyang buhay, at sa huli, natuklasang heredera dahil tagapagmana ng malaking kayamanan.

Read: DILG Sec. Jonvic Remulla, itinangging binantaan si Bulacan Gov. Daniel Fernando

the heiress who won with brains
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE CHINESE ACTRESS WHO PLAYS LINDA WALKER

Ang Chinese actress na si Zhang Yingfei, 21, ang gumanap na Linda Walker sa phenomenal short Chinese drama na may original English title na The Real Heiress She Is a Top Student.

Nagtapos si Zhang ng pag-aaral sa Central Academy of Drama.

Nag-umpisa naman ang kanyang acting career noong 2024.

Naging mabilis ang pagsikat niya nang magbida siya sa The Heiress Who Won With Brains.

Lin SiWang ang Chinese name ng karakter ni Zhang.

Pero mas sumikat si Zhang nang palitan at gawing Linda Walker ang kanyang pangalan para sa English-dubbed version ng pinag-uusapang Chinese short drama na unang ipinalabas sa China noong September 2025.

Popular na popular sa mga mag-aaral na Pilipino ang pagkatao ni Linda Walker dahil sa kanyang napakataas na IQ at pambihirang katalinuhan.

Sa isang mock exam ay nakakuha si Linda Walker ng score na 719.

Si Linda Walker ang ginagamit sa pagpapalitan ng mga biro ng mga nagnanais makapasa sa mga pagsusulit sa paaralan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang nag-trending na pangalan ni Linda Walker sa iba’t ibang social media platform ang dahilan kaya napukaw ang interes ng netizens na hindi pa nakakakilala sa kanya.

Napilitan silang panoorin ang The Heiress Who Won With Brains para hindi sila mahuli sa balita, pero naengganyo silang panoorin ang palabas na hindi na bago sa mga Pilipino dahil pangkaraniwan nang tinatalakay at isinasadula sa mga madadramang TV series sa Pilipinas.

Read: Kris Lawrence, binalikan ang pagnanakaw ng cellphone ni Alvin Aragon

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Zhang Yingfei plays the role of Linda Walker (Lin SiWang) in the popular Chinese vertical drama series The Heiress Who Won With Brains.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results