Isang nakagugulat na balita para sa mga tagahanga ni Rita Daniela ang pagpirma niya ng kontrata sa Viva Artists Agency (VAA).
Ito at dahil sa loob ng dalawampu’t isang taon, contract star siya ng Sparkle GMA Artist Center, ang talent management agency ng GMA Network.
Nakatakda sa Miyerkules, Pebrero 25, 2026, ang pagpirma ni Rita ng kontrata sa bagong tahanan nito.
Read: Brent Manalo, Xyriel Manabat, Dustin Yu, Bianca De Vera: Checking In

Ang dahilan ng pag-alis sa home studio niya ang tiyak na isa sa mga itatanong sa kanya.
Mainstay si Rita ng All Out Sundays, ang weekly noontime musical-variety show ng GMA-7.
Ilang linggo na siyang hindi napapanood sa nabanggit na programa, at ang paglipat niya sa Viva Artists Agency ang pinaghihinalaang dahilan.
MORE OPPORTUNITIES FOR RITA DANIELA
Naniniwala ang mga tagasuporta ni Rita na mas maraming oportunidad ang darating sa kanya bilang mang-aawit dahil VAA artist na siya.
Sister company ng VAA ang Viva Records kaya umaasa silang magiging masigla na ang singing career ni Rita.
Mabibigyan din siya ng mga acting assignment para sa mga proyekto ng Viva Films, Viva Movie Box, at Viva One.
Higit sa lahat, may posibilidad na magkaroon si Rita ng mga concert sa Viva Live dahil hindi lingid sa kaalaman ng marami ang husay niya sa pagkanta.
Read: Kris Lawrence, binalikan ang pagnanakaw ng cellphone ni Alvin Aragon
DAVID EZRA TO JOIN VIVA FAMILY
Hindi lamang si Rita ang bagong contract star ng talent management arm ng Viva Entertainment.
Pipirma rin ng kontrata sa Miyerkules, Pebrero 25, si David Ezra, ang anak ng Asia’s Timeless Diva na si Dulce.
Minana ni David sa kanyang ina ang husay sa pagkanta.
Napakinabangan niya ang talento sa pag-arte nang magbida siya sa Jeproks The Musical na itinanghal noong nakaraang taon sa GSIS Theater.
Si David ang gumanap na Mike Hanopol sa musical play na mula sa hit song na "Laki Sa Layaw Jeproks" (1977) ang pamagat.
Read: Arrival of ex-NBA player Bol Bol sparks hilarious live news moment