Hindi pa naglalabas ng pahayag ang aktor at Bulacan governor na si Daniel Fernando tungkol sa isyu ng diumano’y pangha-harass ng kanyang convoy sa isang presidential son.
Nangyari umano ang insidente sa North Luzon Expressway noong Sabado, Pebrero 21, 2026.
Sa ulat ng GMA News noon ding Sabado, pinabulaanan ni Presidential Communications Secretary Dave Gomez na may naganap na insidente sangkot ang presidential son na hindi nito pinangalalan.
Bagamat hindi pinangalanan ang presidential son, marami ang nagsasabing ito ay si Vinny Marcos, ang bunso sa tatlong anak na lalaki nina President Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos.
Read: Did Edu Manzano hard launch new girlfriend at EDSA 40 prayer rally?
Bahagi ng ulat ng GMA News: “Social media reports circulated that past 7:00 p.m., a three-vehicle motorcade allegedly blocked the vehicle carrying the presidential son.
“The reports claimed that around 15 men, reportedly from vehicles registered in a Bulacan municipality, alighted and confronted the convoy.
“The alleged harassment was said to have occurred after the presidential son’s vehicle overtook the Bulacan-registered vehicles, which allegedly occupied all three lanes of the expressway.”
Pinag-uusapan ang pangyayaring ito dahil mga kilala at makapangyarihang personalidad ang mga sangkot.
REMULLA DENIES THREATENING FERNANDO
Sa media conference ni DILG Secretary Jonvic Remulla nitong Martes ng umaga, Pebrero 24, 2026, tinanong siya ng mga miyembro ng media tungkol sa usaping ito.
Kinumpirma nitong nakausap niya sa telepono si Fernando noong Linggo, Pebrero 22.
Ngunit itinanggi niya ang kumakalat na balita na, diumano, may threat o banta siya sa gobernador ng Bulacan.
Saad ni Remulla: “As far as I know, walang threat.
"Ang pinaeksamin ko lang, yung firearms licenses niya. Kung valid o hindi.
"But as far as that, wala. Wala kaming raid sa bahay, walang ganoon."
Pinabulaanan din ni Remulla na pinagsalitaan niya si Fernando ng “Kaya naming ipakuha lahat ang mga baril mo at yung mga sasakyan mo, kaya naming ipa-impound.”
Diin niya: “Ang sabi ko, ipinaeksamin ko lang. Three firearms were discovered. One is missing, so hinahanap namin.
"After that, ang LTO na ang nag-conduct ng investigation."
Ayon pa kay Remulla, maayos ang naging pag-uusap nila ni Fernando.
Mas makabubuti raw tanungin ng mga mamamahayag ang Police Regional Office 3 dahil doon umano dinala ang mga kotse at baril ng gobernador ng Bulacan.
Read: Pinky Amador reacts to “kain-suka” accusation after attending Malacañang event
REMULLA ON FERNANDO: "MASYADO SIYANG MAKAHARI NG LUGAR"
Sinabi ni Remulla na hindi mahalaga kung anak ng presidente ang sangkot, pero naging ugali na raw ni Fernando na okupahin ang NLEX sa tuwing bumibiyahe ito.
Saad ng DILG secretary: “It doesn’t matter if it was a presidential son or not.
"Naging ugali na ni Governor Fernando na pag nabiyahe siya ng NLEX ay apat na lane ang occupied niya na walang puwedeng mag-overtake.
“So, ang dami na naming nakuhang complaint na ganoon na masyado siyang makahari sa lugar niya.
"Ako, labing-isang taon akong governor di ba? Hindi ko ginawa yan.
"Kaya ko bang harangin SLEX, e, di pinagmumura ako ng lahat ng tao?
"Sa kanya, sa NLEX, hinaharang niya talaga. Siya lang ang puwedeng dumaan. Daig pa niya ang presidente kung bumiyahe."
Diin pa ng dating gobernador ng Cavite: “Irregardless kung sino ang naging victim, that was wrong. Mali yung ginawa niya.”
RAMULLA CALLED THE WRONG "DANIEL"
Natatawa namang ikinuwento ni Remulla na nagkamali pa siya noong Sabado ng gabi dahil ang aktor din at dating kongresista mula sa Laguna na si Dan Fernandez, hindi ang gobernador ng Bulacan na si Daniel Fernando, ang kanyang unang tinawagan sa cellphone.
“Namali nga ako. Ang tinawagan ko si Dan Fernandez, e. Natawagan ko si Dan Fernandez.
"Sabi ni Dan Fernandez, 'Ikukulong mo ba ako?'
“Sabi ko, 'Oo ipakukulong kita.' Tapos sabi ko, 'Sino ba ito?'
“’Boss, si Dan Fernandez ito.’ 'Ay, sorry, sorry!'” lahad ni Remulla.
Read: Ellen Adarna speaks about issuing an ultimatum to Derek Ramsay for child support