Hindi pa mangyayari sa lalong madaling panahon ang pinakahihintay na muling pagtatambal nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz sa isang proyekto.
Ito ay dahil naghahanap pa ng materyal na magugustuhan nila.
Ikinatuwa ng mga tagahanga nina Sarah at John Lloyd ang lumabas na balita noong nakaraang linggo na tuloy na tuloy ang kanilang reunion movie.
Pero hindi pa ito magkakaroon ng katuparan dahil wala pang naaprubahang konsepto ang dalawa.
Read: Did Edu Manzano hard launch new girlfriend at EDSA 40 prayer rally?
Tatlong taon na ang nakalilipas nang ibalita ng Cabinet Files noong 2023 ang pinaplanong reunion movie nina John Loyd at Sarah dahil sa larawang ibinahagi ng singer-actress sa kanyang Instagram account.
Kuha ang larawan nina Sarah at John Lloyd sa boardroom ng Viva Films office sa Pasig City, kung saan naganap ang kanilang pag-uusap para sa proyektong gagawin nila.
Read: John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo, magkakaroon ng reunion movie
JOHN LLOYD-SARAH FIFTH MOVIE TEAMUP
Ang binabalak na pelikulang pagbibidahan nina John Lloyd at Sarah ang ikalima sana sa mga proyektong kanilang pagsasamahan.
Certified blockbuster ang lahat ng mga pelikulang pinagtambalan ng dalawa.
Nagsimula ito sa A Very Special Love (2008), na sinundan ng You Changed My Life In A Moment (2009), It Takes a Man and a Woman (2013), at Finally Found Someone (2017).
Mahigit sa isang bilyong piso ang kinita ng mga pelikulang ginawa nina Sarah at John Lloyd noong dalaga pa ang singer-actress at hindi pa nagkakaroon ng anak ang aktor.
Kahit may asawa na si Sarah at tatay na si John Lloyd, marami pa rin ang kinikilig sa kanilang loveteam at umaasang maisasakatuparan na ang matagal nang balak na magsama uli sila sa isang romantic drama movie.
Read: Alvin Aragon, inaming ninakawan noon ng cellphone si Kris Lawrence