PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alvin Aragon inaming ninakawan noon ng cellphone si Kris Lawrence

Kris Lawrence at Katrina Halili, posible bang magkabalikan?
by Jojo Gabinete
Published Feb 23, 2026
alvin aragon kris lawrence
Alvin Aragon (left) admitted in one of his vlogs that he stole from several people in the past, naming singer Kris Lawrence as one of his alleged victims. Kris is the former partner of actress Katrina Halili, Alvin's batchmate on StarStruck Season 1.
PHOTO/S: YouTube / Instagram

Hiningi ng Cabinet Files ang reaksiyon ni Kris Lawrence tungkol sa rebelasyon ni Alvin Aragon, pero hindi pa sumasagot ang mang-aawit dahil kasalukuyang nasa Amerika siya.

Isiniwalat ni Alvin sa isang video na dati siyang "magnanakaw," at kabilang si Kris sa mga ninakawan niya noon ng cellphone.

Magkasama si Alvin at ang dating karelasyon ni Kris na si Katrina Halili sa Season 1 ng StarStruck, ang reality-based artista search ng GMA-7 noong 2003.

Hindi nagbigay ang preachy actor ng kumpletong detalye tungkol sa ninakaw niyang cellphone ni Kris.

Read: Alvin Aragon criticizes celebrity parents of LGBTQIA+ children

Bahagi ng pahayag ni Alvin sa kumakalat na video: “Marami akong ninakawan.

“Nung napasok ako sa showbiz, dun ako nagnanakaw. Nagnanakaw ako ng cellphone din.

"Si Kris Lawrence, yung singer, ninakawan ko yon ng cellphone sa bahay niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matagal nang nagbagong-buhay si Alvin, pero pinag-uusapan siya ngayon dahil sa kanyang mga kontrobersiyal na pananaw tungkol sa mga isyu tulad ng homosexuality.

Read: StarStruck alum Alvin Aragon draws backlash over anti-gay remark

KRIS LAWRENCE AND KATRINA HALILI GETTING BACK TOGETHER?

Bago pa isinapubliko ni Alvin ang pagnanakaw niya ng cellphone ni Kris, nagkaroon muna ng pagkakataon ang Cabinet Files na tanungin ang mang-aawit tungkol sa mga haka-haka ng publiko na malaki ang posibilidad na magkabalikan sila ni Katrina.

Ito ay dahil sa kanilang madalas na pagkikita, kasama ang nag-iisang anak nilang si Katie.

Madalas din silang magkasama sa content na ina-upload nina Kris at Katrina sa social media.

Sabi ni Kris sa Cabinet Files: “ Hmmm… There’s always a special spark when we’re making memories as a family.

“Katie’s magnetic personality is the real magic.

"As for what the future holds, I guess that’s the magic of life—we’re just enjoying every moment as it comes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sometimes, dreams play out in ways you can’t predict… honestly, just taking it one step at a time. Just authentically enjoying, that’s all.”

Ang magkabalikan sina Kris at Katrina, alang-alang sa kanilang anak na si Katie, ang kahilingan ng mga kinikilig na tagasuporta na walang sawa na sumusubaybay sa mga vlog nila.

Read: Celebrities react to Alvin Aragon’s controversial religious stand

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alvin Aragon (left) admitted in one of his vlogs that he stole from several people in the past, naming singer Kris Lawrence as one of his alleged victims. Kris is the former partner of actress Katrina Halili, Alvin's batchmate on StarStruck Season 1.
PHOTO/S: YouTube / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results