PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Coco Martin, inanunsiyo ang pagtatapos ng Batang Quiapo

Coco Martin, magbibida kasama si Julia Montes sa Sigabo.
by Jojo Gabinete
Published Feb 20, 2026
coco martin batang quiapo
Coco Martin announces that FPJ's Batang Quiapo will finally end after two years. It's final episode will air on March 13, 2026.
PHOTO/S: Kapamilya Channel

Si Coco Martin mismo nag-anunsiyo na magwawakas na ang pinagbibidahan niyang primetime series, ang FPJ's Batang Quiapo, sa Marso 13, 2026.

Bukod sa pagiging bida ay co-wrter, co-producer, at co-director din si Coco ng action drama series ng Kapamilya Channel na unang napanood noong Pebrero 13, 2023.

Sa kabuuan, dalawang taon at isang linggo tumagal sa ere ang Batang Quiapo.

Sa panayam ni MJ Felipe na napanood sa TV Patrol ngayong Biyernes ng gabi, Pebrero 20, kinumpirma ni Coco ang pagtatapos ng Batang Quiapo.

Pahayag niya: “Nung naramdaman ko na yung karakter ni Tanggol, parang nagawa na niya lahat ng elements, hanggang sa natalo siya sa eleksyon, ano pa ba yung pinaka-major na tatakbuhin ng kuwento?

“Nung ginalaw ko na yung kuwento, ginalaw ko na yung mga karakter, naramdaman ko, parang hanggang dito na lang yung takbo ng buhay ni Tanggol sa Quiapo.

“Ang hirap lumabas sa bibig. Ang hirap tanggalin din na papasok minsan sa ano mo na, 'Matatapos na, magtatapos na.'”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Albert Martinez, pinaghahandaan na ang pag-alis sa Batang Quiapo

COCO MARTIN MAKES A HARD DECISION

Naging mahirap daw ang desisyon niyang tapusin na ang Batang Quiapo dahil mahal niya ang kanyang programa.

Saad ni Coco: “Nasasaktan ako, nalulungkot ako every time na may mga karakter na pinapatay. Na ume-exit na kinakantahan namin ng ‘Thank you, thank you.’

“Tapos eto ngayon, finally.

"Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga taong nagmahal at sumuporta. Salamat po sa tatlong taong pagsuporta at pagmamahal ninyo sa Batang Quiapo.

“Nagiging emotional ako kasi hirap na hirap talaga kami. Sobrang hirap ng paggawa ng Batang Quiapo.

"Hindi lang yung pagbuo kundi yung pag-arte. Lahat, in all aspects, sa lahat ng mga crew, ng directors, actors…”

COCO AND JULIA TO STAR IN SIGABO

Ipinangako ni Coco na hindi malilimutan ng manonood ang huling tatlong linggo ng Batang Quiapo, kasunod ang isang mahalagang anunsiyo na hindi muna niya binanggit kaya marami ang naintriga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Meron akong isang sasabihin sa mga tao. May isang importanteng bagay na kailangan nilang malaman,” nakangiting sabi ni Coco pero hindi ito nagbigay ng clue.

Sa huling kabanata ng Ang Probinsyano noong Agosto 12, 2022, nasorpresa ang mga sumusubaybay sa nagtapos na action-drama series ni Coco dahil sa espesyal na partisipasyon ni Julia Montes.

Kaya may mga haka-hakang maaaring may kinalaman sa personal na buhay o pamilya nila ang tinutukoy ng aktor na importanteng bagay na kailangang malaman ng publiko.

Pero pagkatapos umere ng TV Patrol ay inanunsiyo ng ABS-CBN na sa pagwawakas ng Batang Quiapo ay sisimulan naman ang bagong primetime series na pagsasamahan nila ni Julia, ang Sigabo.

coco martin julia montes sigabo
Photo/s: ABS-CBN
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: 1976: The Golden Year of Philippine Cinema

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Coco Martin announces that FPJ's Batang Quiapo will finally end after two years. It's final episode will air on March 13, 2026.
PHOTO/S: Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results