Hindi nag-iisa si Carlo Aquino sa simple pero makahulugang panawagan niya at may praying emoji na: “Pleaaaase huwag niyo na i-post or i-repost yung kinakausap ni god. Ayoko na siya makita sa feed ko”

Marami ang nakikiisa at nakakaunawa sa kanyang sitwasyon.
Hindi man nagbanggit si Carlo ng pangalan sa kanyang Facebook plea ngayong Biyernes ng hapon, Pebrero 20, 2026, may hula ang netizens na si Alvin Aragon ang tinutukoy niya.
Malakas ang mga haka-hakang nag-e-enjoy si Alvin sa natatanggap na atensiyon mula sa publiko na negatibo ang karamihan, pero nagpasikat sa kanya sa mga maling paraan.
Sabi nga sa linya mula sa isang Tagalog na pelikula: “Publicity, good or bad is still publicity.”
Read: Alvin Aragon criticizes celebrity parents of LGBTQIA+ children
CARLO AQUINO'S "REUNION" WITH BELA PADILLA
Visible ngayon si Carlo dahil ipalalabas na sa mga sinehan sa Marso 11, 2026 ang mapanakit na pelikula nila ni Bela Padilla, ang A Special Memory.
Reunion movie nina Bela at Carlo ang A Special Memory dahil una silang nagtambal noong 2018 sa Meet Me in St. Gallen.
“Parang reunion with an old friend,” pagsasalarawan ni Carlo sa muling pagsasama nila ni Bela sa isang proyekto.
“Pagdating sa set, catch up. Kumusta siya sa buhay, personally.
"Nag-mature na. Yung choices niya sa buhay, nag-iba na.
“Naging excited lang talaga ako na magkaroon kami ng reunion movie and something very special na ganitong pelikula.”
Hindi raw napanood ni Carlo ang original Japanese series na A Pure Soul, na pinagbatayan ng kuwento ng A Special Memory.
“Hindi ko nga alam na Japanese series. Wala po talaga akong idea.
"Ang nabasa ko lang talaga, yung naisulat [na script] ni Sir Ricky,” pagtukoy niya sa National Artist na si Ricky Lee.
Nang tanungin tungkol sa mga pangyayari sa buhay na ayaw niyang makalimutan at itinuturing na mga espesyal na alaala, binanggit ni Carlo ang pagsisilang sa kanyang anak na si Mithi, ang pag-iisang-dibdib nila ni Charlie Dizon, at ang mga okasyong magkakasama sila ng pamilya niya.
Read: K Brosas reacts to Alvin Aragon’s remarks against celebrity parents with LGBTQIA+ children