Ang mensahe ng pamamaalam at pakikiramay ni Carmen Ojales Curtis-Smith kay James Ernest Curtis-Smith ang patunay na maganda ang kanilang relasyon, kahit humantong sa paghihiwalay ang pagmamahalan nila na nag-umpisa noong dekada ’80.
Sina Carmen at James ang mga magulang ng mga aktres na sina Anne Curtis at Jasmine Curtis-Smith.
Pumanaw si James sa edad na 82 sa Cairns, Queensland, Australia, noong Enero 2, 2026.
Inanunsiyo nina Anne at Jasmine ang pagkawala ng kanilang ama noong Miyerkules, Enero 7.
Read: Anne and Jasmine announce passing of dad James Smith
CARMEN PAYS TRIBUTE TO FORMER HUSBAND JAMES
Nitong Huwebes, Enero 8, si Carmen ang nagbahagi ng saloobin at pasasalamat sa dating asawa.
Mensahe niya sa kanyang social media post (published as is): “My deepest sorrows for the passing of Mr. James E. Curtis-Smith.
“Mr. Curtis-Smith, salamat for the memories that we’ve shared, hindi ko makakalimutan those old days…and salamat because of the good things in life.
“You’re the man na nagbigay sa akin ng magandang buhay at hindi ko makakalimutan lahat, thankful kasi we stayed friends.
“Thank you for the gift of our children, and for always loving them. We will always put beer in basong may yelo for you.”
Kalakip ng kanyang mensahe sa Threads ang larawan nila at ng kanilang tatlong anak.

JAMES LOVED PANGASINAN
Isang abogado at dating opisyal ng Royal Australian Navy si James.
Ang Pangasinan ang lugar sa Pilipinas na paborito niya.
Unang nagpunta si James sa Pangasinan noong 1973.
Dito nagtagpo ang mga landas nila ni Carmen, na nagmula sa bayan ng Bolinao, at nagpakasal sila noong 1982.
Read: Ama nina Anne Curtis at Jasmine Curtis-Smith sa Australia pumanaw
Noong 2023, isinapubliko ni Carmen ang May-December love affair nila ni Jayde Estudillo na tanggap ng kanyang mga anak.
Noong nakaraang linggo, ibinahagi ni Carmen sa kanyang TikTok followers ang mga larawan nila ni Jayde.
Caption niya rito: “Coming 5 years this year, we’re still strong together. Thank you for always loving me, cook for me, looking after me.”
Read: Anne Curtis teases mom Carmen about her May-December affair: “Blooming si Mama ngayon.”