Pitong araw bago ang cinema playdate ng Philippine adaptation ng A Werewolf Boy sa Enero 14, 2026, humarap sa mga miyembro ng entertainment press sina Rabin Angeles at Angela Muji sa Viva Café ngayong Miyerkules, Enero 7.
Inilahad nina Rabin at Angela ang matinding kaba na nararamdaman dahil sa nalalapit na pagpapalabas sa mga sinehan ng launching movie ng kanilang RabGel loveteam.
Read: Rabin Angeles and Angela Muji: Made to Last
Saad ni Angela: “Hindi po namin made-deny na may pressure po talaga kasi unang movie nga po na inaasahan, and unang movie po rin na pinagbibidahan namin.
“Ito po yung magiging career-defining moment namin kaya sobrang pressured po kami.
"Para po hindi kami ma-pressure, iniisip na lang po namin, whatever happens, it’s God’s will.
“Happy and grateful po kami na the second trailer also received a lot of good feedback.
"As far as I know, yung first trailer natin has already gained 28 million across all social media platforms.
"Sobrang nakakataba po ng puso kaya grateful po kami sa mga walang sumusuporta sa amin."
Sinang-ayunan ito ni Rabin, na hindi itinanggi ang kaba kaya hindi raw siya masyadong nakakatulog.
“Hindi naman po mawawala yung pressure,” sabi ni Rabin.
“Talagang kinakabahan po kami kasi pinakaunang pelikula namin ni Angela.
"Tapos napakalaking pelikula pa po nito na ipinagkatiwala ng Viva sa amin kaya ibinigay namin ang best.
"Pero hindi po namin kayang alisin talaga ang pressure."
Read: Angela Muji, nahuhulog na ang loob kay Rabin Angeles?
MISSING EACH OTHER
Matagal na hindi nagkita sina Rabin at Angela dahil sa Pasko at Bagong Taon kaya nangulila sila nang husto sa isa’t isa.
Muling nagkasama ang dalawa sa SM Pampanga noong Enero 4 dahil sa kanilang mall show para sa A Werewolf Boy.
Ayon kay Rabin: “Na-miss ko si Angela. Ang tagal naming hindi nagkita, nag-Christmas break. Umuwi po ako sa Pampanga.
“Parang hinahanap ko na siya kapag hindi kami magkasama. Nung nagkita kami sa mall show, nasa van kami, sabi ko, ‘Ang tagal kitang hindi nakita.’
“Parang nakatingin lang po ako sa kanya.”
Pareho ng naramdaman ang dalawa dahil, ayon kay Angela: “Nakaka-miss po si Rabin. Ang tagal po naming hindi nagkita although nag-uusap naman kami sa phone.
“Iba pa rin po kasi kapag magkasama kayo. Nasanay na po akong kasama siya halos araw-araw kaya kapag hindi ko po siya kasama, parang ang lungkot.
"Sobra naming na-miss ang presence ng isa’t-isa kasi nasanay na po kami na magkasama.
“Di ba, sabi po ni Rabin, sa akin niya nakukuha ang lakas ng loob niya? Pero sa totoo lang po, sa kanya rin po ako kumukuha ng lakas ng loob.
“So, nung nag-meet po kami, it felt like three weeks. Parang ang tagal.
"When I hugged Rabin, I felt comfort. I felt safe…”
Read: Luke Jickain and Nico Antonio pass the 2025 Bar Examinations