Sa Cairns, Queensland, Australia, binawian ng buhay si James Ernest Curtis-Smith (Pebrero 26,1943- Enero 2, 2026) sa edad na 82.
Si James ang ama ng mga aktres na sina Anne Curtis at Jasmine Curtis-Smith.
Noon pang Enero 2 pumanaw ang ama nina Anne at James, ngunit ngayong Miyerkules, Enero 7, lamang ito inanunsiyo ng magkapatid sa pamamagitan ng social media post.
Nakasaad dito: “It is with profound sadness that we announce the unexpected yet peaceful passing of our father, James E. Curtis-Smith.
"A true patriarch in every sense, he shaped us with strength, resilience, and a wit that will forever echo in our family.
“He was deeply loved, endlessly admired, and will live on in our hearts always. We will miss him dearly.”
Read: Anne and Jasmine announce passing of dad James Smith
DEATH NOTICE
Bago pa naglabas ng pahayag sina Anne at Jasmine tungkol sa pagpanaw ng kanilang ama, nauna nang lumabas ang death notice nito sa The Crains Post.

Si James ay isang abogado at dating opisyal ng Royal Australian Navy.
Madalas siyang dumadalo noon sa Lingayen Gulf Landings commemoration bilang pangulo ng Philippine branch ng Returned and Service League of Australia.
Labintatlong barko ng Australia ang kasama ng Allied Forces, na pinangunahan ni General Douglas MacArthur, ang dumaong sa Lingayen Gulf, Pangasinan, para palayain ang Luzon mula sa Japanese Imperial Army.
Isang memorial sa Veterans Park sa Lingayen ang itinayo para sa Australian soldiers na nagbuwis ng buhay sa Pilipinas noong World War II.
Unang binisita ni James ang Pangasinan noong 1973.
Dito niya nakilala ang ina nina Anne at Jasmine na si Carmen Ojales ng Bolinao, Pangasinan, noong 1982.
Sa isang panayam, sinabi ni James na labindalawa ang kanyang anak na ipinagmamalaki niya lahat.
Lima sa mga anak niya, kabilang sina Anne at Jasmine, ang naninirahan sa Pilipinas.
Read: Melanie Marquez claims she was placed in mental and rehab facilities without consent