PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Showbiz personality, lumayo sa mga kaibigan dahil sa benefactor

Showbiz personality, bumili ng ari-arian na milyun-milyon ang halaga.
by Jojo Gabinete
Published Jan 4, 2026
blind item, showbiz personality, rich benefactor
PHOTO/S: Canva

Ang “overly possessive but moneyed lover” ang pinagsususpetsahang dahilan kaya nilayuan ng kontrobersiyal na showbiz personality ang kanyang mga kaibigan.

Pinutol ng showbiz personality ang lahat ng mga komunikasyon sa mga kaibigan at hindi na nagparamdam mula nang bumili siya ng isang ari-ariang milyun-milyong piso ang halaga.

Nakasisilaw rin ang mga alahas na ipinangangalandakan ng showbiz personality kaya halatang-halata ang karangyaan na kanyang tinatamasa ngayon—malayung-malayo sa payak na pamumuhay niya noon.

Read: Janus del Prado under fire for tirades against Carla Abellana

Nagkaroon ng malisya ang mga tao sa paligid ng showbiz personality na hindi na ito nakikisalamuha sa kanila dahil sa "possessive but good provider benefactor."

Matagal nawalan ng proyekto sa telebisyon at pelikula ang showbiz personality pero madalas siyang pumupunta sa iba’t ibang mga bansa para magbakasyon.

Pilit na inuunawa ng mga kaibigan ng showbiz personality ang paglayo nito dahil hindi nila maibibigay ang kanyang mga materyal na pangangailangan at magarbong lifestyle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Marcelito Pomoy, may show sa Pinas pero Europeans ang audience

RICH BENEFACTOR OVER FRIENDS

Minsan nang nakipagrelasyon ang showbiz personality sa isang mayamang negosyante.

Pero nang maghiwalay sila, binawi sa kanya ang lahat kaya dumanas siya ng depresyong nasaksihan ng mga kaibigan niya.

Isa lamang ang kinatatakutan ngayon ng mga nagmamalasakit na kaibigan ng showbiz personality—baka dumating ang panahong tuluyan nang lumayo ang loob nila dahil sa pagwawalang-bahalang ginagawa sa kanila.

Diumano, hindi imposibleng sila naman ang mawala kung sakaling sumapit ang araw na ang showbiz personality ang mangailangan ng kanilang tulong, atensiyon, at pang-unawa kapag hindi nagtagal ang pakikipagrelasyon niya sa kanyang rich benefactor.

Read: Showbiz personality, nagbilin pag may masamang mangyari sa kanya

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results