Ang pangalan at larawan ni Raul Rocha ang nananatili na nakalagay sa website ng Miss Universe Organization bilang presidente ng kontrobersyal na international beauty pageant.
Kaya marami ang nagtaka sa pahayag ni former Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson na hindi na umano si Rocha at Thai transgender billionaire na si Anne Jakrajutatip ang nagmamay-ari sa naturang organisasyon.
Sa mga nakaraang panayam kay Chavit, ipinahiwatig niya ang kagustuhan na bilhin ang Miss Universe Organization.
Read: Chavit Singson wants to buy Miss Universe Organization
At nitong Biyernes, Enero 2,2025, muling pinag-usapan ang kanyang Facebook post tungkol sa pagkikita at pag-uusap nila ni Shawn McClain, ang dating vice-president for Marketing and Business Development ng MUO.
Kasama sa meeting ang anak ni Chavit na si Richelle Singson, ang Ako Ilocano Ako Party-list representative.
Ang rebelasyon ni Chavit (published as is): "Had a good chat with my daughter Congresswoman Richelle Singson and Shawn McClain, former Miss Universe Vice President.
"He updated us with possible acquisition talks on Miss Universe Organization.
"For everyone’s information: MUO is not owned anymore by Anne Jakrajutatip or Raul Rocha Cantú.
"In fact, they both have arrest warrants against them! Thank you Shawn for visiting us!"
Sabay malamang pahaging ni Chavit: "We look forward to having discussions with the rightful owners, the creditors they defrauded."
Hindi naman binanggit ni Chavit ang pangalan ng sinasabi niyang "rightful owners" ng MUO.
LEGAL CASES AGAINST ANNE Jakrajutatip AND Raul Rocha
May katotohanan ang impormasyon na ibinahagi ni Singson tungkol kay Anne dahil hinatulan ito ng isang korte sa Thailand ng dalawang taon na pagkakabilanggo.
Pero walang nakakaalam sa kinaroroonan ni Anne hanggang sa ngayon.
Pinatawan ng parusa si Anne dahil sa pagkakasangkot nito sa 30 million baht corporate bond investment fraud.
Matagal nang balita na tumakas si Anne mula sa Thailand at nagtatago sa Mexico, sa tulong ni Rocha.
Si Rocha naman ay nahaharap sa mga kasong drug trafficking, illegal fuel distribution, firearms smuggling, at paglahok umano sa mga criminal activity.
Gaya ni Anne, hindi na matukoy ang kinaroroonan ni Rocha.
Ayon sa mga ulat, hindi na matagpuan sa Mexico si Rocha dahil tinutugis na rin siya ng batas, kaya masalimuot ang sitwasyon sa MUO sa kasalukuyan.
RELATED ARTICLES