Pabalik na ng Pilipinas si Marcelito Pomoy matapos ang dalawang beses na pagtatanghal sa Mar-a-Lago, ang club resort sa Palm Beach, Florida, USA, na pag-aari ni US President Donald Trump.
Unang nagtanghal si Marcelito para sa isang private party sa Mar-a-Lago Club noong Disyembre 28, 2025.
Pero hindi nakarating si Trump dahil sa diumano’y busy schedule nito.
Ang New Year’s Eve party noong Disyembre 31, 2025 ang pangalawang beses na pagtatanghal ni Marcelito sa nabanggit na club.
Dito ay nakadalo na si Trump.
Read: Misis ni Marcelito Pomoy, may hugot matapos mag-perform ng singer sa harap ni Trump
Ang impormasyong ito ay para sa ilang Pinoy netizens na ipinagpipilitan ang kanilang maling akala na wala si Trump sa naturang okasyon.
Ibinahagi ni Marcelito sa mga social media page nito ang video ng pagkanta niya ng "The Prayer" habang pinapanood siya nina Trump at US First Lady Melania Trump.
Ipinakita rin niya ang video ng kanyang paglapit at pakikipag-usap kay Trump na matibay na pruweba ng kanilang pagtatagpo.
"DISREGARDED in the Philippines!!! HONORED in other COUNTRIES!!!"
Ibinahagi ng asawa ni Marcelito na si Joan Pomoy ang video ng pagtatagpo ng Pinoy singer at ni Trump, pero nilagyan ito ni Joan ng nakakaintrigang caption.
Bahagi ng nakasaad dito (published as is): “DISREGARDED in the Philippines!!! HONORED in other COUNTRIES!!!"
Mismong si Joan ang kumontra sa kanyang paniniwala na binabalewala sa sariling bansa ang mister niya.
Naging masipag siya sa pagbabahagi sa social media ng lahat ng link ng mga balita sa media outlets sa Pilipinas tungkol sa pagtatanghal ng asawa niya sa New Year’s Eve party ni Trump.
Ang asawa ni Marceltio ang nagbalitang pabalik na ng Pilipinas ang grand winner ng Season 2 ng Pilipinas Got Talent, pero may hugot pa rin ang kanyang may pagmamalaking pahayag.
Aniya: ”Have a safe flight home hearty ko…This is it! No more rebooking na talaga at may show ka pa sa 4 dito naman sa Pinas pero European audience pa din…”
Read: Carla Abellana reacts to Janus del Prado's meme about her wedding cake