PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ex-PGT contestant Mark Joven Olvido, nakalaya na

Bagong taon, bagong buhay para kay Mark Joven Olvido.
by Jojo Gabinete
Published Jan 2, 2026
Mark Joven Olvido, nakalaya na matapos ang tatlong taong pagkakakulong.
Mark Joven Olvido, sinumulan ang Bagong Taon na nakalaya na matapos ang tatlong taong pagkakakulong.
PHOTO/S: Mark Joven Olvido / Jean Rivera Facebook

Nakalaya na mula sa halos apat na taong pagkakabilanggo sa Bureau of Jail Management and Penology sa Sta. Cruz, Laguna ang Pilipinas Got Talent Season 6 third runner-up na si Mark Joven Olvido.

Pero hindi pa ito sumasagot sa mga mensahe na ipinadala ng Cabinet Files noong Enero 1, 2026 at ngayong Biyernes, Enero 2, para sa kanyang pahayag tungkol sa paglabas niya buhat sa kulungan.

"Happy New Year Ma, sa asawa ko, anak ko. Salamat sa kulang apat na taon na sakripisyo at hirap habang nasa loob ako. Maraming salamat sa inyo. Mahal na mahal ko kayu,” ang social media post ni Olvido noong Enero 1.

Ang pag-post niya sa social media ay kumpirmasyon ng paglaya niya.

December 5, 2025 nang unang lumitaw sa social media ang video ni Mark na lubos ang saya. Tila may sumundo sa kanya noon sa pag-uwi niya sa bahay. May nag-repost din ito noong December 6.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang mga sumunod na araw, nag-post din si Mark ng "I'm back" kalakip ng video na siya ay nagbe-vape.

Isang napakahalaga at napakagandang pangyayari sa buhay niya para sa Bagong Taon ang ganap na pagiging malaya ni Olvido.

Read: Mark Joven Olvido arrested in buy-bust operation in Laguna

MARK JOVEN OLVIDO ARRESTED FOR DRUG POSSESSION IN 2022

Dinakip si Olvido sa isang buy-bust operation ng Drug Enforcement Unit (DEU) noong Pebrero 18, 2022 sa Sitio San Miguel, Barangay Duhat, Sta. Cruz, Laguna.

Inaresto si Olvido dahil sa paratang na pagbebenta ng shabu na nakalagay sa heat-sealed transparent sachet na nagkakahalaga ng PHP500.

Marked money ang ibinayad sa kanyang PHP500.

Kabilang sa mga dumakip kay Olvido ang isang pulis na gumamit ng marked money at nagpanggap na bibili sa kanya ng shabu.

Bukod sa marked money, nakumpiska sa pag-iingat ni Olvido ang pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng PHP85,000.

Hinuli si Olvido dahil sa impormasyon na natanggap ng DEU tungkol sa diumano’y pagbebenta niya ng ipinagbabawal na droga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matagal nang nasa watch list ng DEU si Olvido.

Read: PEP Troika’s Choice: Most Noteworthy Films of 2025

MARK JOVEL OLVIDO FORMER PGT CONTESTANT

Si Olvido ay nakilala bilang "Vape Master" dahil ito ang talento na ipinamalas niya nang sumali siya noong 2018 sa reality competition program ng ABS-CBN.

Matapos lumahok sa Season 6 ng Pilipinas Got Talent, nagkaroon ng panandalian na acting career si Olvido.

Napanood siya noon sa action drama series na FPJ's Ang Probinsyano at mga pelikula na Fantastica, 3Pol Trobol, Huli Ka Balbon, at Unli Life.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Joven Olvido, sinumulan ang Bagong Taon na nakalaya na matapos ang tatlong taong pagkakakulong.
PHOTO/S: Mark Joven Olvido / Jean Rivera Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results