PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Showbiz personality, nagbilin pag may masamang mangyari sa kanya

Showbiz personality, ayaw palapitin sa burol niya ang ilang kaanak.
by Jojo Gabinete
Published Jan 1, 2026
blind item showbiz personality
PHOTO/S: Canva

Isang nakababahalang mensahe ang natanggap ng Cabinet Files mula sa showbiz personality ngayong Huwebes, Enero 1, 2026.

May mabigat na problemang pinagdaraanan ang showbiz personality na may kinalaman sa kanyang pamilya.

Sinabi ng showbiz personality na kung sakali mang may mangyari sa kanyang masama, huwag hahayaang makalapit sa burol niya ang mga miyembro ng pamilya na aniya'y pinagkakaisahan siya.

Inisa-isa ng showbiz personality ang mga dahilan kaya lalong lumakas ang hinala nitong may mga binabalak na hindi maganda laban sa kanya ang sariling pamilya.

Dahil sa nakakaalarmang mensahe ng showbiz personality, agad na nakipag-ugnayan ang Cabinet Files sa kanya.

Pero sinabi naman niyang maayos sa ngayon ang kanyang kalagayan.

Read: Heated Rivalry star Hudson Williams, walang dugong Pinoy

SHOWBIZ PERSONALITY VOWS TO PRIORITIZE SELF

Masalimuot ang problemang matagal nang nararanasan ng showbiz personality.

Pero ngayong 2026, nangako siya na ang sariling kapakanan ang kanyang haharapin.

Kung kinakailangang layuan ang kanyang pamilya, gagawin daw ito ng showbiz personality alang-alang sa kapayapaan at kalayaang pinapangarap niya sa matagal na panahon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi ng showbiz personality na gusto nitong ibalik ang respeto sa sarili at ang self-worth na nawala sa kanya dahil sa emotional, mental, physical, at verbal abuse na natikman umano niya.

Matutupad lamang daw ang kalayaan at kaligayahan na kanyang pinakamimithi kung siya mismo ang gagawa ng paraang pipilitin niyang maisakatuparan ngayong 2026.

Read: Eric Quizon weighs in on long-running National Artist issue involving Dolphy

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results