PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Special Memory nina Carlo at Bela, naurong ang playdate sa March

Pansamantalang nahinto ang shooting dahil sa health scare ni Carlo.
by Jojo Gabinete
Published Dec 31, 2025
bela padilla carlo aquino special memory
Bela Padilla and Carlo Aquino star in Special Memory, which is slated to open in cinemas on March 4, 2026. The film is the Philippine adaptation of the 2004 Korean movie A Moment to Remember.
PHOTO/S: Viva Films

Hindi matutuloy sa susunod na buwan, Enero 2026, ang theatrical release ng Special Memory.

Nagpasya ang Viva Films na ipalabas ang pelikulang pinagbibidahan nina Bela Padilla at Carlo Aquino sa Marso 4, 2026.

Ang Special Memory ang Philippine adaptation ng A Moment to Remember, ang 2004 South Korean movie na tungkol sa pagmamahalan ng isang lalaki at isang babaeng may onset Alzheimer’s disease.

Read: REVIEW: Love You So Bad is not just fan service, it's a solid rom-com

Unang napabalita na sina Alden Richards at Bea Alonzo ang mga bida ng proyekto pero hindi ito natuloy.

Lumitaw rin ang balitang si Julia Barretto ang ipapalit kay Bea bilang kapareha ni Alden na hindi rin nangyari.

Sa huli, sina Bela at Carlo ang mga gumanap sa mga pangunahing karakter ng Special Memory.

Bale reunion movie ito ng dalawa na unang nagkasama sa pelikulang Meet Me In St. Gallen noong 2018.

CARLO AQUINO'S HEALTH SCARE

Pansamantalang nahinto ang shooting ng pelikula nang magkaroon si Carlo ng problema sa kanyang kalusugan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Diumano, kailangan niyang sumailalim sa coronary angioplasty procedure pero inilihim ito sa publiko.

Nalaman lang ng mga tao ang kuwento tungkol sa health scare ni Carlo dahil siya mismo ang nagkuwento sa interbyu sa kanya sa Parade of Stars ng 51st Metro Manila Film Festival (MMFF) noong Disyembre 19, 2025.

Ipinagtapat ni Carlo na muntik na siyang maoperahan dahil may nakitang bara sa kanyang puso.

“They had to check. Fortunately, hindi kailangan ng stent but siyempre nangayayat ako. Ngayon nakakabalik-balik na. Medyo humealthy na ulit kahit papaano,” rebelasyon ni Carlo.

Read: Carlo Aquino, nagkaroon ng health scare ngayong 2025

Matutuwa tiyak si Carlo kapag napanood niya ang Special Memory dahil sulit na sulit ang lahat ng mga pagsubok na naranasan niya.

Maipagmamalaki ni Carlo ang pelikula nila ni Bela dahil sa kanyang mahusay na pagganap at guwapung-guwapong hitsura sa lahat ng mga eksena niya.

Imposibleng hindi maluha ang mga nagbabalak panoorin ang Special Memory kapag nagbukas ito sa mga sinehan sa Marso 4 dahil sa mga makabagbag-damdaming eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang "Special Memory," na inawit ni Martin Nievera, ang ginamit na official soundtrack ng pelikula.

Si Iwi Laurel ang original singer ng 1984 hit song at malaking tulong ang nabanggit na kanta sa mga eksena nina Carlo at Bela sa pelikula.

Read: Wedding vows of Carla Abellana, Dr. Reginald Santos speak of faith

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bela Padilla and Carlo Aquino star in Special Memory, which is slated to open in cinemas on March 4, 2026. The film is the Philippine adaptation of the 2004 Korean movie A Moment to Remember.
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results