Hindi dapat magpalinlang ang Filipino fans ng Heated Rivalry star na si Hudson Williams sa kumakalat nitong digitally-altered photo sa social media na nagpapakita sa kanyang nakasuot ng Barong Tagalog at Sablay.
Ang Sablay ay ang opisyal na academic attire ng mga estudyante ng University of the Philippines sa araw ng kanilang pagtatapos sa pag-aaral.
Maaaring nagkaroon lamang ng matinding obsesyon kay Williams ang isang Pilipinong tagahanga niya na gumawa ng kanyang litrato na nakasuot ng Barong Tagalog at Sablay.
Read: Mark Mugen on Top of His Game

Si Williams ay nagtapos ng kursong Film Arts sa Langara College, British Columbia, Canada — hindi sa University of the Philippines — noong 2020.
Wala ring dugong Pilipino si Williams — na puwedeng mapagkamalang Filipino mestizo — dahil Korean ang kanyang ina at British-Dutch Canadian naman ang tatay niya.
Read: Wedding vows of Carla Abellana, Dr. Reginald Santos speak of faith
HUDSON WILLIAMS: BREAKOUT STAR OF HEATED RIVALRY
Si Hudson Williams ang breakout star ng Heated Rivalry, ang Canadian LGBTQ series na halaw sa nobela ni Rachel Reid at kasalukuyang pangunahing panoorin sa HBO Max.
Sina Williams at Connor Storrie ang mga bida sa Heated Rivalry, na isa nang global success buhat nang ipalabas sa HBO Max noong Nobyembre 2025.

Nagkamali ang akala ng ina ni Williams na mahihirapang makapasok sa entertainment industry at makagawa ng pelikula ang kanyang anak dahil sa pagiging Asian.
Kabaligtaran ang nangyari dahil nakilala si Williams sa buong mundo nang gampanan niya ang karakter ni Shane Hollander sa Heated Rivalry, ang kanyang kauna-unahang major television role.
“I am half-Korean, and then my dad is British-Dutch Canadian. I think it meant a lot to me and my mom.
“My mom is Korean. She always thought it would be harder for me to break into film and acting because she hadn’t really seen anyone,” pahayag ni Williams sa isang panayam tungkol sa tagumpay na tinatamasa ngayon ng Heated Rivalry.