PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

VIRAL: Move It rider, binantaang gigripuhan ng lasing na pasahero

Move It rider, gustong matunton ang lalakeng nanakot at nanakit sa kanya.
by Jojo Gabinete
Published Dec 29, 2025
move it rider
Move It rider Angelo Lopez (in a red uniform) uploaded dashcam footage on Facebook showing a drunk man who attempted to ride his motorcycle without booking through the app on Christmas Day, December 25. The man also cursed and threatened the rider, "Gusto mo gripuhan kita ngayon ha? Gusto mo gripuhan kita?”
PHOTO/S: Facebook

Pambabatok, pagmumura, at ang paulit-ulit na pananakot na lalagyan siya ng "gripo" ang mga pang-aabusong naranasan ng ride-hailing app driver na si Angelo Lopez, 23, ng Marikina City, mula sa isang lalaking lasing at nagpumilit sumakay sa kanyang motorsiklo para magpahatid sa lugar na pupuntahan.

Nangyari ang insidente sa kanto ng J.M. Basa Street at J.P. Rizal St. Marikina City, noong mismong araw ng Pasko, Disyembre 25, 2025, 10:50 A.M.

Huminto si Lopez sa isang burger store para bumili ng makakain niya bago pumasok sa trabaho dahil naglilingkod din siya bilang guest service attendant sa isang mall.

Ang pamamasada para sa Move It ang pangalawang trabaho ni Lopez para madagdagan ang kanyang perang kinikita mula sa marangal na paraan.

Read: Celebrities weigh in on viral Marikina road rage

Lumapit ang lalake kay Lopez at nag-utos na ihatid ito sa isang lugar.

Bukod sa hindi nag-book sa ride-hailing app ang mapilit na pasahero, amoy-alak din ito kaya tumanggi si Lopez na isakay siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagalit ang lalake.

Binatukan at pinagmumura nito si Lopez.

Umakto rin ang lalake na may kukunin mula sa bag na dala niya.

Ikinatakot ito nang husto ni Lopez kaya binuksan nito ang dash cam ng motorsiklo para may ebidensiya siya kung sakaling may masamang mangyari sa kanya.

Malinaw na maririnig ang pagbabanta ng lalake kay Lopez: “Put…ina, sampalin kitang hayop ka. Paskong-Pasko, pre, huwag mo akong gagaguhin, hayup ka! Gusto mo gripuhan kita ngayon, ha? Gusto mo gripuhan kita?”

Pinilit ni Lopez maging mahinahon sa kabila ng sobrang takot na nararamdaman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: VIRAL: Netizens react to driver vs. rider street fight in Las Piñas

VIRAL DASH CAM FOOTAGE

Viral na ngayon ang dash cam footage mula sa motorsiklo ni Lopez na ibinahagi nito sa social media para matukoy ang katauhan ng taongnanakit at nanakot sa kanya.

Tatawa-tawa pang humarap sa kamera ang lalake kaya malinaw na nakunan ang mukha nito.

Pinalad din si Lopez na makakuha ng kopya ng CCTV footage na nagpapakita sa pananakot sa kanya ng akusado.

“For security reasons po. Hindi po para magpasikat o humingi ng awa. Para po sa pansariling kaligtasan po kaya ako nagbukas ng camera,” paliwanag ni Lopez nang makausap siya ng Cabinet Files nitong Linggo, Disyembre 28.

“May lead na po kami. As of now, name pa lang po niya ang alam namin.

"Address na lang po niya ang hinahanap namin pero nakikipag-ugnayan na rin po ako sa Marikina Police."

Lahad pa ni Lopez: “Nabigla po talaga ako. Binatukan niya ako at pinagmumura.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Siyempre po, may halong takot ako dahil sa amba niyang may bubunutin siya sa bag niya.

“Hindi ko na rin po nalaman ang bubunutin niya mula sa bag dahil sa kaba ko, nablangko na po ako.

"Talagang ang safety ko na lang po ang nasa isip ko noon."

Dahil sa insidente ay nakatatatanggap ngayon ng suporta si Lopez mula sa netizens na nag-like at nag-share sa dash cam footage.

Malinaw na mapapanood sa viral video ang paglapastangan kay Lopez kaya ang magkaroon ng hustisya ang ginawa sa kanya ng lasing na lalake ang panawagan niya.

Saad niya sa Cabinet Files: “Dapat panagutan niya ang ginawa niya sa akin. Hindi rason ang kalasingan sa kanyang ginawa dahil trauma ang inabot ko sa kanya.

“Hindi na rin ako gaanong makabiyahe dahil sa takot na baka abangan niya ako.

“Nakakabiyahe naman po ako sa umaga, pero sa gabi, hindi na po.

"Kinokontrata ko na lang ang mga katrabaho ko sa mall na ihahatid ko sila para hindi masayang ang pag-uwi ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Pokwang apologizes after brother’s road-rage incident

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Move It rider Angelo Lopez (in a red uniform) uploaded dashcam footage on Facebook showing a drunk man who attempted to ride his motorcycle without booking through the app on Christmas Day, December 25. The man also cursed and threatened the rider, "Gusto mo gripuhan kita ngayon ha? Gusto mo gripuhan kita?”
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results