PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pamilya ni Ivan Ronquillo, hinahanda na ang pagsasampa ng kaso

Ivan Ronquillo at Gina Lima, ihahatid na sa kanilang hantungan ngayong linggo.
by Jojo Gabinete
Published Nov 24, 2025
ivan cezar ronquillo
Ivan Cezar Ronquillo’s family is gathering evidence to file complaints against online bashers allegedly linked to his death. They are expected to proceed with the filings after his burial on Tuesday, November 25, 2025.
PHOTO/S: Instagram

Nakatakda ang paghahatid kay Ivan Cezar Ronquillo, 24, sa Eternal Gardens Memorial Park, Caloocan City, sa Martes ng 2 P.M., Nobyembre 25, 2025.

Isang malaki at kontrobersiyal na balita ang pagpanaw ni Ivan.

Pinaniniwalaang winakasan ni Ivan ang sariling buhay matapos maging biktima ng pisikal na pananakit at online bashing dahil sa paratang na sinaktan niya ang kanyang kasintahan, ang freelance model na si Gina Lima, 23, na namatay noong Nobyembre 16, 2025.

Nakipag-ugnayan na ang nagdadalamhati na pamilya ni Ivan kay former COMELEC Commissioner Atty. Rowena Guanzon, na nangakong tutulong nang libre para magkaroon ng hustisya ang magkasunod na pagkamatay nina Ivan at Gina.

Read: Hustisya, hangad ng pamilya ni Ivan Cezar Ronquillo

Iniipon na ng pamilya ni Ivan ang lahat ng mga ebidensiyang magpapatunay na biktima si Ivan ng online bashing na nagdulot sa kanya ng depresyon at dahilan para tapusin niya ang sariling buhay.

Nagpakita naman ng kooperasyon ang netizens sa pamamagitan ng pagpapadala kay Guanzon at sa pamilya ng mga screenshot ng fake news laban kay Ivan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Plano ng pamilya ni Ivan na pagtuunan ng pansin ang mga kasong isasampa laban sa mga iresponsable na content creator kapag nailibing na siya.

Read: Ivan Ronquillo, boyfriend of Gina Lima, found dead at home

GINA LIMA'S CAUSE OF DEATH

Nakatakda rin sa linggong ito ang paglilibing sa mga labi ni Gina na iniuwi ng kanyang mga kapatid sa kanilang bayan sa Bayugan City, Agusan del Sur.

Nakaburol sa kasalukuyan ang mga labi ni Gina sa Mata Funeral Home sa Bayugan City matapos ang ilang gabing lamay sa St. John’s Chapel ng Sto. Domingo Church sa Quezon City.

Ayon sa Chief PLtCol. Edison Ouano ng Quezon City Police District-Central Investigation and Detection Unit, cardiorespiratory distress ang sanhi ng kamatayan ni Gina. Base ito sa resulta ng kanilang imbestigasyon.

Tumangging magpainterbyu ang mga kamag-anak ni Gina.

Pero sa isang social media post ng kanyang kapatid nito, sinabi nitong nasa lahi nila ang karamdamang hika na ikinamatay ng kanilang ama noong nakaarang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isiniwalat din ng kapatid ni Gina na may nakitang tubig sa baga ng pumanaw na model.

Noong Biyernes, Nobyembre 21, personal na nakausap ng Cabinet Files ang dating handler ni Gina na si John Navarro.

Inulit nito ang kuwentong hindi nagkaroon ng anumang proyekto sa Vivamax si Gina.

Saad ni John: “Pumirma siya ng kontrata pero hindi na bumalik dahil ayaw raw niyang magpaseksi. Baka pinagbawalan noon ng boyfriend [Ivan].

"Pero kung pumayag siya na mag-artista, tiyak na magkakaroon si Gina ng launching movie dahil maganda talaga siya sa personal."

Read: Who is Gina Lima, Vivamax model who suffered a tragic death?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ivan Cezar Ronquillo’s family is gathering evidence to file complaints against online bashers allegedly linked to his death. They are expected to proceed with the filings after his burial on Tuesday, November 25, 2025.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results