Trending ngayon sa social media platform na X (Twitter) ang pangalan ni Jinkee Pacquiao dahil sa sinasabing malaking pagkakahawig niya kay Fatima Bosch, ang newly crowned Miss Universe 2025.

Maraming tutol sa tagumpay ng Mexican na si Fatima.
Pinararatangan ng netizens at pageant fans na luto umano ang resulta at isang "cooking show" ang 74th Miss Universe dahil si Fatima ang nagwagi.
Inaakusahang "cooking show" ang Miss Universe 2025 dahil si Fatima ay kababayan ni Raul Rocha, ang presidente ng Miss Universe Organization at may-ari ng franchise ng Miss Universe Mexico.
Read: Fatima Bosch of Mexico crowned Miss Universe 2025: PH bet Ahtisa Manalo is 3rd runner-up
Para sa mga mapaglarong utak ng mga Pilipino, ang asawa ni Manny Pacquiao na si Jinkee lamang daw ang dapat ipinadala sa naturang patimpalak-kagandahan.
Narito ang ilang nakakaaliw na komento ng ilan sa ating mga kababayan:
“Sana si Jinkee na lang ang isinali.”
“Hindi man nanalo si Pacquiao sa Physical: Asia, nanalo naman ang asawa niya sa Miss Universe.”
"Still a win for the Philippines. Congrats, Ma'am Jinkee Pacquiao!"
“Jinkee Pacquiao, paano ka nanalo?”
“Juskooo…Ano yun? Mas maganda dyan si Jinkee Pacquiao namin… baka mas brainy pa at mas stylish pa.”
Read: Catriona Gray, Pia Wurtzbach proud of Ahtisa Manalo; celebrities question Miss Universe results
REACTION FROM THE AUDIENCE AFTER FATIMA BOScH'S WIN
Matapos koronahan si Bosch, umalingawngaw ang malakas na "boo" sa Impact Challenger Hall, ang pinagdausan ng koronasyon.
@sarinkp.official The crowd boo after Miss Universe 2025 is Mexico ???? . #missuniverse #missuniverse2025 #missuniversemexico #sarinkp ? original sound - SarinKp.official
Naniniwala ang mga sumigaw na hindi karapat-dapat manalo ang Mexican beauty queen.
Para sa karamihan, si Olivia Yace ng Cote d’Ivoire o si Ahtisa Manalo ng Pilipinas ang mas deserving.
Fourth runner-up lamang si Olivia, at third runner-up naman si Ahtisa.
Hindi raw makatarungan para sa mga Pilipino na tinalo pa ni Fatima sina Olivia at Ahtisa, pati na ang second runner-up na si Stephany Abasali ng Venezuela.
Para sa iba, tila reverse order ang pagbabasa ng resulta ng Miss Universe 2025 host na si Steve Byrne.
Inuulan ngayon ng mga batikos ang Miss Universe Organization, at negatibo ang mga komento sa kanilang congratulatory message para kay Fatima.
View this post on Instagram
Read: Pagkapanalo ni Miss Universe 2025 Fatima Bosch, nabahiran ng kontrobersiya