Si Fatima Bosch, 25, ng Mexico ang nagwaging Miss Universe sa koronasyong naganap ngayong Biyernes ng umaga, Nobyembre 21, 2025 sa Nonthaburi, Thailand.
Nabahiran ng intriga ang tagumpay ni Fatima dahil ang kapwa niya Mexican na si Raul Rocha Cantu ang presidente at may ari ng 50 percent ng Miss Universe Organization.
Pag-aari rin ni Rocha ang franchise ng Miss Universe Mexico.
Read: Fatima Bosch of Mexico crowned Miss Universe 2025: PH bet Ahtisa Manalo is 3rd runner-up
@sarinkp.official The crowd boo after Miss Universe 2025 is Mexico ???? . #missuniverse #missuniverse2025 #missuniversemexico #sarinkp ? original sound - SarinKp.official
First runner-up sa 74th Miss Universe si Praveenar Singh ng Thailand.
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang Thai billionaire na si Anne Jakrajutatip ang bumili sa Miss Universe Organization noong 2022 bago niya ibinenta kay Rocha ang kanyang 50 percent shares.
Si Rocha ang isa sa mga nagtanggol kay Fatima nang lantaran itong hiyain ni Miss Universe Thailand franchise owner Nawat Itsaragrisil noong Nobyembre 4.
Ito ang dahilan ng pagwo-walkout ng ibang mga kandidata at ni Miss Universe 2024 Victoria Kjær Theilvig.
Kinastigo at pinagbantaan ni Rocha na lilimitahan niya ang partisipasyon ni Nawat sa 74th Miss Universe kaya humingi ng paumanhin ang kontrobersiyal na Thai media personality.
Read: MUO President condemns Nawat's treatment of Miss Universe Mexico
MEXICANS ROOT FOR FATIMA BOSCH
Tinututukan ng Mexicans ang gabi ng koronasyon ng Miss Universe 2025, at isang malaking balita sa kanilang bansa ang tagumpay ni Fatima.
Pinanood ng mga kababayan ni Fatima sa Tabasco Baseball Stadium, Tabasco, Mexico, ang live broadcast ng 74th Miss Universe.
Sa ulat ng ABC, isang daily newspaper sa Mexico, naghiyawan sa tuwa, nag-iyakan at nagyakapan ang mga kababayan ni Fatima nang ideklara na siya ang nagwagi.
Kabilang sa mga nanood sa Tabasco Baseball Stadium ang ama ni Fatima na si Bernardo Bosch Hernandez.
Masayang pahayag nito: "Great, seeing your daughter grow up is great, I'm very proud to see what she is like. She is a fighter, a champion, I feel great admiration for her determination.”
Si Fatima ang ika-apat na Miss Universe titleholder mula sa Mexico.
Sinundan niya sina Lupita Jones noong 1991, Ximena Navarette noong 2010, at Andrea Meza noong 2021.