Hindi man pinalad si Ahtisa Manalo na makuha ang korona ng 74th Miss Universe, panalo pa rin ang pakiramdam ng mga Pilipino dahil sa positibo at magagandang salitang binitiwan ni Miss Universe 1993 Dayanara Torres tungkol sa Pilipinas at sa kinatawan ng ating bansa.
Kasama ang half-Filipino at half-American na si Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel, si Dayanara ang isa sa mga commentary host ng Miss Universe 2025.
Ginanap ang finals ng international beaity pageant sa Impact Challenger Hall, Pak Kret, Nonthaburi, Thailand, ngayong Biyernes ng umaga, Nobyembre 21, 2025.
Read: Fatima Bosch of Mexico crowned Miss Universe 2025: PH bet Ahtisa Manalo is 3rd runner-up

Sabi ni Dayana nang pumasok sa Top 30 si Ahtisa: “I am so happy for the Philippines! She truly deserves to be there.”
Papuriniya pagkatapos ng Swimsuit Competition: “The Philippines! I needed to say that. Did you see, that eye contact? That was impressive. She just knows the camera. She knows the angle. She knows exactly where to look. That was amazing swimsuit."
Sabi naman ni Dayanara sa performance ni Ahtisa sa Long Gown Competition: “That was a dream, a dream come true. Absolutely.”
Read: Who is Ahtisa Manalo, Miss Universe Philippines 2025?
"HONORARY PINAY"
Ito ang dahilan kaya binansagan si Dayanara na “Honorary Pinay” ng mga Pilipinong magiliw na magiliw sa kanya.
Nang ianunsiyo na sa Puerto Rico idaraos ang 75th Miss Universe sa susunod na taon, hindi mapagsidlan ang excitement na nararamdaman ni Dayanara.
“I am so incredibly excited that the Miss Universe 2026 pageant will be held in my home country,” reaksiyon ni Dayanara.
Nang ipahiwatig ni R’Bonney na nais nitong maimbitahan siyang host sa Miss Universe 2026, sinabi ng Puerto Rican beauty queen na aampunin niya si R’Bonney.
"Just like the Philippines adopted me as a Pinay by heart," sabi ni Dayanara.
Marunong magsalita ng Tagalog at malapit sa puso ni Dayanara ang Pilipinas dahil nanirahan siya sa ating bansa.
Una niyang narating ang Pilipinas noong 1994 dahil sa ating bansa ginanap ang 43rd Miss Universe, at isinalin niya ang korona kay Sushmita Sen ng India.
Tatlong pelikula ang ginawa ni Dayanara sa Pilipinas — Basta’t Kasama Kita (1995), Hataw Na (1995), at Type Kita, Walang Kokontra (1999).
Pioneer main host si Dayanara ng ASAP, ang Sunday noontime musical-variety show ng ABS-CBN na nag-umpisa noong 1995.
Naging host din siya ng dance show na Eezy Dancing ng ABC-5 mula 1996 hanggang 1997.
Read: FULL TRANSCRIPT: Miss Universe 2025 Top 5 Final Q&A portion