Trigger Warning: Suicide
Headline ng mga international media outlet na TMZ at People ang balita tungkol sa halos magkasunod na araw na pagpanaw ng magkasintahang Gina Lima at Ivan Cezar Ronquillo.
Read: Ivan Cezar Ronquillo, boyfriend of Gina Lima, found dead at his home
Ulo ng balita ng People: “Influencer Gina Lima, 23, and Her Ex-Boyfriend, 24, Die 3 Days Apart”
Headline naman ng TMZ: “Filipino Infuencers Gina Lima And Ivan Ronquillo Die Just One Day Apart”
Hindi nag-abala ang TMZ sa proseso ng fact-checking dahil pumanaw si Gina noong Nobyembre 16, 2025, at si Ivan naman ay winakasan ang sariling buhay noong Nobyembre 19.
Nakalulungkot isiping bilang influencers, napagtuunan lamang ng pansin sina Gina at Ivan at kinilala ng international media outlets dahil sa paraan ng kanilang malagim na pagkasawi.
Read: Gina Lima at Ivan Ronquillo, ipinagluluksa ng kanilang mga kaibigan
IVAN CEZAR RONQUILLO'S WAKE DETAILS
Nakaburol ang mga labi ni Ivan (Enero 31, 2001-Nobyembre 19, 2025) sa San Fernando Funeral Homes, Kaingin Road, Quezon City.
Hindi pa napagpapasyahan ng pamilyang naulila niya ang petsa ng paglilibing sa kanya.
“Goodbye my son, tatay loves you so much, Ivan Cezar Ronquillo,” ang maiksi at simple pero makahulugang pamamaalam ni Cezar Roquillo sa kanyang bunsong anak.
Si Cezar ang unang tinawagan ni Ivan nang matuklasan nito ang walang buhay na katawan ni Gina Lima nang magising siya mula sa matagal na pagkakatulog nila sa bahay ni Ivan.
Kasama ni Ivan ang kanyang ama nang dalhin nila si Gina sa ospital, pero idineklarang dead on arrival ang modelo.
Labis naman ang pagdadalamhati ni Sheila Rodriguez sa pagpanaw ng kanyang nakababatang kapatid na si Ivan dahil magkasama pa silang kumain sa isang restaurant sa Tomas Morato Avenue, Quezon City, noong Nobyembre 18, ilang oras bago matagpuan ang bangkay ni Ivan.
JUSTICE FOR IVAN
Ramdam ang sakit ng kalooban ni Sheila sa pahayag nito tungkol sa pagkawala ng kanyang pinakamamahal na kapatid.
Saad niya: “Today, our family faces a loss we never imagined. Our beloved Ivan Cezar R. Ronquillo passed away on November 19, 2025.
“My brother Ivan, took his own life after quietly struggling with pain that many could not see. With all that has happened lately, we want this moment first to honor him, remember his life, and hold space for the love and memories he shared with all of us.
“Nothing can prepare you for the pain of losing someone so full of life, love, and potential.”
Nangako rin si Sheila na titiyakin nilang magkakaroon ng hustisya ang napakalungkot na nangyari sa kanyang kapatid, na pinagbintangan ng mabigat na kasalanan na hindi nito ginawa.
Mensahe ni Sheila: “Thank you to everyone who cares about what happened. Please give us some time to grieve. We will not allow justice to be denied. All of your concerns regarding what Ivan went through will be addressed.
“Kapatid ko, YOU were hurting silently and the world didn’t hear you. Now that you’re gone, we promise, we will stand for you and fight for your justice.
“Mami-miss ko yung bawat moment na may kailangan ka, tapos bigla ka nalang tatawag ng, ‘ATEEEE!’ Kagabi, magkasama pa tayo sa Morato, nag-dinner pa tayo at nag-usap na tayo ng masinsinan diba? Ang sakit, Van… sobra. Mahal na Mahal kita, Kapatid ko!”