PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Valentine Rosales, gustong pakasuhan ni Rowena Guanzon

Rowena Guanzon, handang tumulong kapag kinasuhan si Valentine Rosales.
by Jojo Gabinete
Published Nov 19, 2025
valentine rosales rowena guanzon ivan ronquillo death
Atty. Rowena Guanzon (center) castigates social media personality Valentine Rosales (left) for his posts targeting model Ivan Cezar Ronquillo (right), who reportedly took his own life amid online bashing.
PHOTO/S: Facebook

Trigger Warning: mention of suicide

Handa raw si former COMELEC Commissioner Atty. Rowena Guanzon na tumulong kung sakaling magpasya ang pamilya ni Ivan Cezar Ronquillo na sampahan ng kaso ang content creator na si Valentine Rosales.

Si Ivan ay pumanaw ngayong Miyerkules, Nobyembre 19, 2025, dahil sa apparent suicide.

Hinihinalang dahil sa matinding bashing na natanggap ni Ivan online ang isa sa mga dahilan kung bakit winakasan nito ang sariling buhay, ilang araw lamang makalipas pumanaw ang kanyang girlfriend na si Gina Lima.

Read: Ivan Cezar Ronquillo, boyfriend of Gina Lima, found dead at his home

Kabilang si Valentine sa mga nag-akusa na ang pambubugbog umano ni Ivan ang sanhi ng kamatayan ni Gina.

Pero sa imbestigasyon ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, natuklasang cardiorespiratory distress ang dahilan ng pagpanaw ng 23-year-old model na si Gina.

Mahigpit na pinabulaanan ni Ivan ang mga bintang na sinaktan nito si Gina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago siya namatay ay pinangalanan ni Ivan ang mga dumurog sa kanyang pagkatao, inilabas sa social media ang mga video at screenshot ng mga akusasyon laban sa kanya.

Read: Valentine Rosales, sinisisi ng netizens sa pagkamatay ni Ivan Cezar Ronquillo

VALENTINE ROSALES CLAIMS HE'S ALSO A VICTIM

Binura na ni Rosales ang mga social media post nito tungkol kay Ivan.

Imbes na humingi ng paumanhin, nangatuwiran pa siyang "biktima" rin umano siya.

Sinabi ni Rosales sa kanyang social media post (published as is): “Unang una sa lahat bat ako ang sinisisi ninyo sa pag Su*c*de niya? eh tulad niyo! biktima din ako ng mis-Information dahil kay Kevin Tan ko lang din nalaman na kako binugbog daw ni Ivan si Gina, Which as a friend ang initial reaction ko is galit at poot kaya nag posts ako regarding the information I received.

“Ngayon kayong mga nag-share at nakichismis kaya nag Viral yun ay ang may kasalanan dahil di naman yun kakalat at magiging ingay kung wala din naman naniwala at hindi din niyo shinare ang post kong yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tulad niyo ay isa rin akong biktima! Sa tingin niyo kanino ko nalaman yung mga details tulad ng cause of death? oras? at hospital? edi sa mutual friends din namin.

“Which is hindi ko na idadamay dahil hindi ako tulad niyo na naghahanap ng sisisihin. tignan niyo nga!”

Read: Who is Ivan Cezar Ronquillo?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

ATTY. ROWENA GUANZON SLAMS VALENTINE ROSALES

Nasubaybayan daw ni Atty. Guanzon ang kuwento ng malupit na karanasan na pinagdaanan ni Ivan.

Hindi nagustuhan ni Guanzon ang mga salitang binitiwan ni Valentine.

Sinisi ng dating COMELEC commisioner si Valentine kaya umano nagpakamatay si Ivan.

Facebook post ni Guanzon (published as is): “Kaka-clout chase niyang valentine rosales na yan ay may nagpakamatay na tao.

“Bat lagi nalang lumalabas yan kapag may sikat na namamatay?

"sa pamilya ng lalake, idemanda niyo yan para magtanda tutulong po ako."

rowena guanzon post
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagsita pa ni Guanzon kay Valentine: “bakla tigil mo kasi yang laro ng galing-galingan kasi ikaw yung may platform

"dahil sa drama mo sa dacera case tapos ito nakisawsaw ka nanaman sa isang krimen

"hintayin mo na lang love letter mo”

rowena guanzon post

Samantala, ibinahagi naman ni Valentine sa social media ngayong hapon ang pagpunta niya sa doktor dahil sa kanyang "emergency psychiatrical session" para sa "mental health" niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Who is Gina Lima, Vivamax model who suffered a tragic death?

valentine rosales post

Ang depresyon ay seryosong usapin. May mga organisasyong handang tumulong sa mga taong dumaraan sa ganitong kondisyon. Katulad na lamang ng National Center for Mental Health na inilunsad ng Department of Health.

Para sa nangangailangan ng tulong, maaring tumawag sa National Center for Mental Health Crisis Hotline: 1553, Landline (02) 7-989-8727 at mobile number 0966-351-4518.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Atty. Rowena Guanzon (center) castigates social media personality Valentine Rosales (left) for his posts targeting model Ivan Cezar Ronquillo (right), who reportedly took his own life amid online bashing.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results