Huwebes ng madaling-araw, Nobyembre 19, 2025, ibinahagi ni First Lady Liza Marcos-Araneta sa Facebook page nito ang kuwento tungkol sa kanyang pakikipagkita sa mga producer, direktor, at aktor ng isang foreign movie na may kinukunang mga eksena sa Pilipinas.
Hindi binanggit ng Unang Ginang ang pamagat ng pelikula at ang pangalan ng kanyang mga naging bisita.
Pero mapapansing patutsada para sa isang taong kilala natin ang Facebook post niya.
Read: Imee Marcos reveals alleged drug use by President Bongbong Marcos
Nakasaad dito: “Sometimes things happen for a reason...
“The other day, I had the pleasure of meeting a group of foreigners — a producer, director & actors who were filming a movie in the Philippines. I was so kilig when they told me that they were hell bent on bringing Hollywood to our country. Why?
“'Because you Filipinos are so genuine and kind.'
“We then talked about the script of their movie and I bit my tongue because I wanted to say: 'Welcome to entertainment — Pinoy style! Only in the Pinas will you find a plot full of holes and actors who can’t deliver and a climax that leaves entire communities underwater.'
“Let’s not even talk about FAKE news.”
Naniniwala ang maraming netizens na para sa hipag niyang si Senator Imee Marcos ang huling pangungusap, na makahulugan at suwabeng parunggit ni First Lady Liza sa Facebook post nito.
Read: Imee Marcos names prominent personalities in drug-use allegations
LIZA MARCOS REPOSTS FAKE QUOTE CARD
Kasunod nito ay ibinahagi naman ni First Lady Liza ang isang fake quote card na naka-attribute sa kanya.
Pinalalabas na ito raw ang reaksiyon ni Liza sa matinding alegasyon ng kanyang hipag, si Senator Imee, na lulong sa paggamit ng cocaine ang kanyang kapatid na si President Ferdinand Marcos Jr. at ang First Lady.
Kalakip ang larawan ni Liza, nakasaad sa quote card: “I won’t argue with you anymore because afterall, you’re my husband’s sister and I respect mommy (Imelda). Pero yung mga statements mo fake, kasing-fake ng mukha mong retokada.”
Malinaw na fake news itong quote card na ibinahagi raw ng asawa ni Presidente Ferdinand Marcos Jr., dahil inilagay sa caption: “…and speaking of FAKE NEWS… welcome to entertainment, Pinoy style.”
Kasunod nito ang tumatawa at umiiyak na emojis.
Read: Sandro Marcos, nag-react sa alegasyon ng kanyang Tita Imee
Laman ng mga balita mula pa noong Lunes ng gabi, Nobyembre 17, ang madamdamin at with full conviction na pagbubulgar ni Senator Imee tungkol sa diumano’y paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot—hindi lamang ng kanyang kapatid at ni First Lady Liza, kundi pati ang mga anak ng mag-asawa, na lalong nagpatindi sa hidwaan ng magkabilang-panig.
Inilahad ito ni Senator Imee sa mahigit isandaang libong miyembro ng Iglesia Ni Cristo na nagtipun-tipon sa Quirino Grandstand para sa huling gabi ng kanilang two-day Transparency For A Better Democracy protest rally.
Read: Imee Marcos, may hamon sa pamangkin na si Sandro Marcos