PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Boyfriend ni Gina Lima may kinalaman sa pagkamatay ng sexy model?

May foul play ba sa pagkamatay ni Gina Lima?
by Jojo Gabinete
Published Nov 18, 2025
gina lima death
Freelance model Gina Lima reportedly died of cardiorespiratory distress, with authorities due to conduct an autopsy to determine whether foul play was involved. Meanwhile, her boyfriend is now in the custody of the Criminal Investigation and Detection Unit of the Quezon City Police District.
PHOTO/S: Instagram

Hindi umano Vivamax star si Gina Lima, ang modelong pinag-uusapan ngayon dahil sa kanyang misteryosong pagkamatay.

Paglilinaw ni John Navarro, tagapamahala ng VMX stars, bigla na lamang nawala si Gina matapos pumirma ng kontrata dalawang taon na ang nakalilipas.

Hindi nagkaroon ng pelikula si Gina sa Vivamax dahil tumanggi raw itong magpaseksi.

“Nag-sign lang siya, tapos wala na. Hindi na siya bumalik," paglilinaw ni John sa Cabinet Files.

Napagtuunan ng pansin ng publiko si Gina Lima dahil sa social media posts na artista siya ng Vivamax.

Pinaghihinalaan namang may kinalaman ang boyfriend niya sa kanyang pagkamatay.

Read: Who is Gina Lima, Vivamax model who suffered a tragic death?

DEATH OF A "FREELANCE MODEL"

Ibinalita sa TV Patrol noong Nobyembre 17, 2025 ang pagpanaw ng isang freelance model.

Hindi binanggit ang pangalan ng nasawi ngunit pinaghihinalaang si Gina ang tinutukoy.

Sa ulat ni Karen de Guzman sa TV Patrol, patay na ang 23-year-old model nang dalhin ito ng dating boyfriend sa isang ospital sa Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Diumano, Linggo ng gabi, Nobyembre 16, nang isugod sa ospital ng dating karelasyon ang modelo, at kinabukasan na lamang natanggap ng mga pulis ang report.

Sa panayam kay Police Major Jennifer Gannaban, sinabi nitong ang mga tauhan ng ospital ang tumawag sa Quezon City Police Station 1 kaya nag-imbestiga agad sila.

Cardiorespiratory distress ang sinasabing sanhi ng kamatayan ng nasawi.

Pero sinabi ng kasintahan nitong magkasama sila sa bahay nang mapansin niyang hindi na humihinga ang dalaga.

Nag-imbestiga ang mga tauhan ng SOCO (Scene of the Crime Operatives) sa tahanan ng lalaki.

Ayon sa mga pulis, walang senyales na nagkaroon ng kaguluhan, pero may mga pasang nakita sa hita ng namatay na modelo.

Sasailalim sa autopsy ang katawan ng namayapa para matiyak kung may pisikal na pananakit sa kanya.

“Sa initial cursory examination natin, sa mga investigator, so far, wala pong nakita na strangulation o mga pasa na dahilan sa pagkamatay ng biktima.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I-open natin kapag may doubt tayo kung may foul play or natural cause para malaman talaga kung ano talaga ang cause ng ikinamatay ng isang biktima,” salaysay ni Quezon City Police District-CIDU Chief PLTCOL Edison Ounao sa TV Patrol.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang ex-boyfriend ng modelo na nasa kustodiya ngayon ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Freelance model Gina Lima reportedly died of cardiorespiratory distress, with authorities due to conduct an autopsy to determine whether foul play was involved. Meanwhile, her boyfriend is now in the custody of the Criminal Investigation and Detection Unit of the Quezon City Police District.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results