Handa raw si Senator Imee Marcos na sumailalim sa DNA test para mapatunayang magkapatid sila ni President Ferdinand Marcos, Jr.
Ito ang reaksiyon ng senadora sa pahayag ng pamangkin at presidential son na si Ilocos Norte Representative Sandro Marcos na: “HINDI ITO ASAL NG ISANG TUNAY NA KAPATID.”
May kinalaman ang reaksiyon ni Sandro sa mabigat na paratang ni Senator Imee na gumagamit siya at ang kanyang mga magulang ng mga illegal na droga, tulad ng cocaine at marijuana.
Read: Senator Imee Marcos reveals alleged drug use by President Bongbong Marcos
Saad ni Senator Imee: “Hindi na tayo mananahimik dahil nalaman ko na pati ang mga anak niya ay nagdodroga na.
“Kinasusuklaman ko pa ang pag-alok ng mag-inang Sandro ng droga sa aking mga anak at ibang kamag-anak. Yan ang hindi ko na mapapalampas.”
Pumalag at mariing pinabulaanan ni Sandro ang mga alegasyon ni Senator Imee.
Ayon sa kongresista: "My cousins Borgy, Vice Gov. Matthew and Atty. Michael can attest that these allegations that were insinuated against me are false.”
SENATOR IMEE MARCOS READY TO UNDERGO DNA TEST
Ilang oras matapos ang paliwanag ni Sandro, sinagot siya ni Senator Imee sa pamamagitan ng Facebook post nito ngayong Martes, Nobyembre 18, 2025.
Mensahe ng senadora: “Gustong paingayin ni Sandro ang usap-usapang hindi ako tunay na kapatid.
"Isa lamang ang solusyon: Magpapa-DNA TEST ako, magpaHAIR FOLLICLE TEST sila.”
Read: Sandro Marcos, nag-react sa alegasyon ng kanyang Tita Imee
REAL-LIFE TELESERYE
Nagmistula nang isang teleserye na maraming twists and turns ang kontrobersyal na isyu sa pagitan ni Senator Imee Marcos at ng mag-asawang President Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos.
Ang pagsasalita ni Senator Imee tungkol sa diumano’y paggamit ng illegal na droga ng mag-asawa ang dahilan kaya muling naungkat ang usap-usapang hindi umano si dating Pangulo Ferdinand Marcos, Sr. ang kanyang tunay na ama.
Kaugnay nito, nag-post sa Facebook ang kontrobersiyal na direktor at matalik na kaibigan ni Senator Imee na si Darryl Yap tungkol sa pag-uugnay sa senadora sa dating alkalde ng Maynila na si Arsenio Lacson.
Pinabulaanan ni Yap ang mga sitsit na si Lacson daw ang tunay na ama ni Senator Imee.
Post ni Darryl: "Ang Elepante, Si Madam Imelda at Senator Imee.
"March 3, 1953 ipinagkaloob ni Mayor Arsenio Lacson ang titulong Muse of Manila kay Imelda Marcos.
"Pagkatapos ng isang taon—mahigit, April 6, 1954 nagkita at nagkakilala sina Ferdinand Edralin Marcos at Imelda sa kongreso.
"Matapos ang ilang araw, April 17, 1954—civil marriage nila sa La Trinidad Valley ata o sa Mountain Province
"May 1, 1954, ikinasal sila PFEM at Imelda sa simbahan sa San Miguel Church, Manila.
"November 12, 1955–ipinanganak ang panganay nilang si Senator Imee.
"Ang pagitan po ng pagkakakilala ni Arsenio Lacson at Imelda Marcos sa pagsilang ni Senator Imee ay 2 taon at 8 buwan.
"Nagpakasal na lahat at hindi mapaghiwalay sina Apo Lakay at ang Iron Butterfly.
"Ang Elepante nga po 22 months lang nagbubuntis, gusto nyong palabasin na ipinagbuntis ni Mommy Meldy si Senator Imee ng 32 months?
"DNA TEST vs HAIR FOLLICLE TEST NA LANG."
Read: Senator Imee Marcos also names several prominent personalities in her drug-use allegations