Tuluyan nang nakamit ni AJ Raval ang kalayaan buhat nang aminin niya sa Fast Talk With Boy Abunda noong Nobyembre 12, 2025 ang pagkakaroon ng limang anak.
Noong Linggo, Nobyembre 16, ibinahagi ni Aljur Abrenica sa social media ang video ng pagsisimba nila ng kanyang pamilya sa religious community na kanilang kinaaaniban.
Si Aljur ang ama ng tatlo sa limang anak ni AJ.
Read: AJ Raval, umaming lima na ang anak; tatlo kay Aljur Abrenica
Hindi lamang ang mga anak nina AJ at Aljur ang dala ng dalawa sa simbahan dahil kasama rin nila sina Alas Joaquin at Axl Romeo, ang mga anak ng aktor sa estranged wife nitong si Kylie Padilla.
Mababakas ang pagiging madasalin at taimtim na pananampalataya ni AJ sa Panginoong Diyos sa caption niya sa video ng ama ng kanyang mga anak at stepchildren.
Nakasaad dito: “With all my heart and deepest respect, I give all the glory back to You, Lord.
"Thank you for every blessing, for every moment of grace, and for saving me in ways I can never fully express.
“Today, on our first family outing and this Thanksgiving Day, my heart overflows with gratitude for Your love that never fails.”
Read: AJ Raval: “The best decision I ever made was to stay quiet.”
BLENDED FAMILY
Ang pagsasama-sama ng mga anak nina AJ at Kylie na nasaksihan ng publiko sa kauna-unahang pagkakataon ang katuparan ng pahayag ni Kylie na “Puwede na sila mag-date magkakapatid nang hindi nagtatago.”
Isang araw matapos aminin ni AJ sa national television ang pagkakaroon nila ni Aljur ng tatlong anak na inilihim sa publiko, nagpadala si Kylie ng mensahe sa programa ni Boy Abunda tungkol sa kanyang reaksyon.
Sabi niya: “I’m happy that as a mother, AJ feels a sense of freedom for her children.
“That was very courageous and brave of her. I’m proud as a mother too. I know that was the right thing for her to do.
“It’s true, sobrang mahal ng mga anak ko ang mga kapatid nila, and that means everything to me and to us as their parents. Labas na ang mga issues namin dun.
"I hope we all find peace and that we also give AJ some empathy. Puwede na silang mag-date na magkakapatid nang hindi na nagtatago."
Read: Jeric Raval supports AJ's decision to finally reveal the truth