Live na napanood sa national television ang pagsasagutan ni Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro at ng political analyst na si Malou Tiquia.
Naging bisita ang dalawa sa special coverage ng News5 tungkol sa malawakang kilos-protesta na magkasabay naganap sa Quirino Grandstand sa Maynila at sa People Power Monument sa EDSA noong Linggo, Nobyembre 16, 2025.
Sina Ed Lingao, Angela Lagunzad, at Chery Cosim ang mga host ng special coverage ng TV5 sa kilos-protesta.
Read: Gladys Reyes, other celebs spotted at INC rally for transparency
Kabilang sa mga napag-usapan nila ng kanilang mga panauhin si Orly Guteza.
Si Guteza ay dating tauhan ni former Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co.
Lumantad si Guteza sa Senate Blue Ribbon Committee inquiry noong Setyembre 25, 2025 para ibulgar ang kanyang mga nalalaman umano tungkol sa mga anomalya sa mga proyekto sa flood control.
Isiniwalat ni Guteza na siya umano ang personal na kumukuha ng perang nakalagay sa mga maleta, na tinatawag nilang ‘”basura,” mula sa tahanan ni Co.
Dinadala raw niya ang mga maleta sa bahay ni former House Speaker Martin Romualdez sa Forbes Park at sa isang lugar na malapit sa Malacañang Palace.
Read: AJ Raval, umaming lima na ang anak; tatlo kay Aljur Abrenica
CASTRO VS. TIQUIA
Nag-umpisa ang baliktaktan sa pagitan nina Castro at Tiquia nang magpatutsada si Tiquia.
Komento ng political analyst: “Si Guteza, alam siguro ni Usec kung nasaan si Guteza at saka ang pamilya niya.”
Buwelta ni Castro: “Bakit naman sa akin ibibintang? Baka kayo ang may alam? Tutal kayo naman yata ang may kakilala.”
Halatang napikon si Castro samantalang napanatili ni Tiquia ang kalmadong pagsasalita.
Tiquia: "Ah, hindi, hindi ko alam kasi ikaw ang nasa gobyerno, e."
Castro: "Pero teka lang, sino ba ang nag-present sa kanila? Mga kaalyado ninyo ang nagprisinta sa kanila."
Tiquia: "Ah, hindi ko alam kung sino ang nag-present mismo. Please do not accuse me."
Castro: "Hindi ako ang nag-present niyan. Baka kaalyado ninyo ang nag-present niyan."
Tiquia: "Ay, hindi. Yan ang propaganda. Biro mo, ang assertion mo ako kasama?"
Castro: "E, bakit hinahanap mo sa akin, baka alam mo?"
Tiquia: "Alam mo kapag ikaw ang estado... ah, never mind. I respect this show."
Castro: "Don’t start kasi. You’re putting something to me."
Tiquia: "But you are representing government?"
Castro: "But still! Bakit ko malalaman? Hindi ako nag-present diyan? Bakit sa akin mo ipapaturo na malamang alam ko?"
Tiquia: "You can always say it in a very nice way without insulting people"
Castro: "But you don’t have to start. You don’t have to start."
Sa puntong ito ay namagitan na si Lingao sa mainit na palitan ng mga salita nina Castro at Tiquia.
Sabi ni Lingao: “Let’s ask each one. Do we have any information from either end?”
Sagot ni Tiquia: “I don’t know. There was someone who told me that he is in the custody of government… of agencies of government, including the family.
"So do I know for certain? No. It was related to me.
"Am I part of the scheme that some people would say I am part? I am not.
"I am just an ordinary citizen who loves this country and would like to comment on certain things.”
Sabi naman ng isa pang host na si Cheryl Cosim: “Tinanong natin yan sa Marines, e, at sinabi nila na wala sa kustodiya nila.
"Walang nakakaalam. Siguro dapat na nating tanungin si Mike Defensor.”
Si Defensor ang naging instrumento kaya humarap si Guteza sa Senate Blue Ribbon Committee inquiry.
Siya ang nagpakilala kay Senator Rodante Marcoleta sa dating miyembro ng Marines na nagsilbi bilang aide ni Co.
Pero matapos humarap sa Blue Ribbon Committee, wala nang nabalitaan ang publiko tungkol kay Guteza.
Wala ring nakakaalam sa kanyang kinaroroonan.
Read: Nic Chien, sumailalim sa breast removal surgery
ZALDY CO ALLEGATIONS
Muling naging sentro ng usapan si Guteza dahil sa mga alegasyon ni Zaldy Co sa videotaped testimony nito na inilabas niya noong Linggo, Nobyembre 16.
Ayon kay Co, totoo umano ang lahat ng mga sinabi ng kanyang dating tauhan nang magsalita ito sa Blue Ribbon Committee noong Setyembre 25, 2025.
Bahagi ng pahayag ni Co: “Ako lang at ang aking mga tao sila Paul Estrada, Mark Tecsay, at ang aking mga security ang nag-deliver papunta sa bahay nila Pangulong Bongbong Marcos at Speaker Martin Romualdez sa North Forbes Park, South Forbes Park hanggang sa Malacañang. Yung mga deliveries po ay merong record ang aking mga tao.
“Totoo po yung sinasabi ni Orly Guteza na nag-deliver siya sa Forbes Park. Totoo din po ang sinasabi ni Orly Guteza na nag-deliver siya sa Malacañang nung siya ay nasa Senado.”
Inaabangan ang muling paglitaw ni Guteza ang inaabangan ng publiko, pero walang katiyakan dahil walang makapagtukoy sa kanyang kinaroroonan sa kasalukuyan.
Read: Zaldy Co tags Marcos, Romualdez as mastermind of bicam insertions