PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kokoy de Santos, sumabak sa teatro dahil kay Boy Abunda

Kokoy de Santos, first time sumabak sa stage play.
by Jojo Gabinete
Published Nov 14, 2025
kokoy de santos ateng
Kapuso actor Kokoy de Santos makes his debut as a theater actor via the stage play Ateng, where he plays Onyx.

Ang Ateng ang kauna-unahang stage play na pinagbibidahan ng Kapuso actor na si Kokoy de Santos.

Nagpapasalamat si Kokoy sa TV host na si Boy Abunda dahil ito ang pumili sa kanya para gampanan ang karakter ng abusadong si Onyx.

Matagal nang iniisip ni Kokoy na umarte sa entablado, at ang Ateng ang katuparan ng kanyang pangarap.

Read: Boy Abunda, may nakitang kakaibang katangian kay Kokoy de Santos

Kuwento ng aktor sa Cabinet Files: “First time ko. Parang hindi ko na kailangan pang kumbinsihin kasi noong nabanggit ito sa akin ni Tito Boy...

"Actually, si Tito Boy po talaga ang puno’t dulo kung bakit nag-dive na ako dito sa panibagong journey ng pag-arte ko sa teatro.

“Matagal ko rin naman gustong gawin at dahil siguro sa, number one, yung script. Ang ganda ng pagkakasulat ni Vince de Jesus.”

ateng poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FROM TV AND FILM TO THEATER

Ano ang pagkakaiba ng pag-arte sa harap ng kamera at sa entablado?

"Wala siyang take two," sagot ni Kokoy.

“Yun ang kagandahan ng teatro, yung build-up ng emosyon, kasama yung audience at kami mismo na nasa entablado.

“Hindi katulad sa TV at pelikula na nagka-cut so may time ka to prepare.

“Sa entablado, tuluy-tuloy, hindi napuputol. At, definitely, yung laki ng pag-arte at paggalaw.”

Ano ang mga paghahanda niya kung sakaling makalimot siya sa kanyang mga linya?

Saad ni Kokoy: “Sa awa ng Diyos, sa halos araw-araw na pagsasama namin sa rehearsals, every time na sinasabi sa amin ni Direk Rem Zamora, once na makalimutan namin ang linya sa full run, breathe lang.

“Tamang hininga lang kasi minsan nakakalimutang huminga ng mga aktor.

"So, ako kapag nandun na sa point na talagang nakalimutan, nandiyan yung co-actors mo para saluhin ka. Kasi hindi puwedeng, ‘Ay, sorry po!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa awa ng Diyos, naitatawid at nandoon kasi sa moment yon.

"Pero kung mangyari man na huwag naman sana, e, talagang gagawa ng paraan.”

Read: AJ Raval, umaming lima na ang anak; tatlo kay Aljur Abrenica

KOKOY ON PREPARING FOR HIS ROLE

Pinaghandaan ni Kokoy ang pagbibigay-buhay sa katauhan ni Onyx sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagbabasa sa script ng Ateng at pagtatanong sa kanyang mga kasamahan sa proyekto.

Aniya: “Bukod sa araw-araw na rehearsal, every time na umuuwi ako at wala naman akong gagawin, inaaral ko yung mga alam kong kailangan pang i-push na scenes.

“Mismong yung character ko, talagang inaaral ko. Yung tipong malayo kay Kokoy para maiba naman.

“Saka tamang tanong sa co-actors kasi first time kong mag-teatro. Yun ang kailangan ko, magtatanong ako, kasi hindi ko alam lahat.

"So, okay na yung magtanong kesa magmukhang tanga.”

Mag-uumpisa ang pagtatanghal ng Ateng sa Rampa Drag Club sa Tomas Morato Avenue, Quezon City, ngayong Biyernes ng gabi, Nobyembre 14, 2025.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si Boy Abunda ang producer ng Ateng na tinatampukan nina Kokoy, Thou Reyes, Dyas Adarlo, Jason Barcial, IO Balanon, at Vince de Jesus.

Si Dyas ang alternate ni Kokoy sa pagganap sa papel ni Onyx, samantalang si Vince ang alternate ni Thou sa pagbibigay-buhay sa karakter ni Ateng.

Read: Juan Ponce Enrile dies at 101

ateng cast
Ateng lead stars: Dyas Adarlo and Kokoy de Santos as Onyx; and Vince de Jesus and Thou Reyes as Ateng.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actor Kokoy de Santos makes his debut as a theater actor via the stage play Ateng, where he plays Onyx.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results