PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rabin Angeles, walang party sa kanyang 21st birthday

Rabin Angeles, hindi muna bumili ng cellphone para makauwi sa Pampanga.
by Jojo Gabinete
Published Nov 14, 2025
rabin angeles birthday
Rabin Angeles, who turns 21 today, November 14, 2025, says he would rather sleep than throw a birthday celebration. He explains, “Hindi ko po hilig yung mga birthday party. Itutulog ko na lang para po makumpleto yung tulog ko. Wala rin po akong birthday gift sa sarili ko. Nagtitipid po talaga ako.”
PHOTO/S: @rabinangeles_ on Instagram

Ngayong Biyernes, Nobyembre 14, 2025, ang ika-21 kaarawan ni Rabin Angeles.

Pero wala raw sa kanyang planong magkaroon ng party para ipagdiwang ang araw ng kapanganakan niya.

Nang makausap si Rabin ng Cabinet Files tungkol sa kanyang kaarawan, sinabi niya na wala sa balak niyang magdiwang.

Paliwanag niya: “Hindi ko po hilig yung mga birthday party. Itutulog ko na lang para po makumpleto yung tulog ko.

“Wala rin po akong birthday gift sa sarili ko. Nagtitipid po talaga ako.”

Read: Juan Ponce Enrile dies at 101

CHRISTMAS WITH HIS FAMILY IN PAMPANGA

Mas pinag-iipunan at pinaghahandaan daw ni Rabin ang darating na Pasko dahil kasado na ang kanyang planong umuwi sa bayan nila sa Pampanga.

Ito ang dahilan kaya hindi na raw niya itinuloy ang planog pagbili ng bagong cellphone.

Saad ni Rabin: “Balak kong bumili ng phone pero na-realize ko, hindi ko naman kailangan.

"Magtitipid na lang ako para pag-uwi ko sa magulang ko sa Pasko, may maibibigay ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Excited na akong umuwi sa Pampanga. Umuuwi kasi ako for one day lang dahil may taping kami sa Tarlac, dun lang ako nakauwi.

“Sobrang tagal ko nang hindi umuuwi kaya nung magkaroon kami ng fan meet sa Viva Café, tuwang-tuwa ako dahil nandoon ang nanay ko."

Read: AJ Raval, umaming lima na ang anak; tatlo kay Aljur Abrenica

Kuwento pa niya: “Nung unang may mga ganap ako, hindi ko siya masyadong isinasama. Nahihiya po ako.

"Ayoko yung parang lagi akong may kasama. Na parang hindi ko kaya na mag-isa.

“Pero ngayon, kapag nandiyan ang nanay ko, sobrang kinikilig ako. Parang, ‘Hi Ma, nandiyan ka sa tabi ko.’

“Parang nami-miss ko ang nanay ko kaya kada nakikita ko siya, talagang sinusulit ko ang oras."

Mula nang mag-umpisa ang shooting niya para sa Philippine movie adaptation ng A Werewolf Boy na pinagbibidahan nila ni Angela Muji, bihirang-bihira nang makauwi si Rabin sa Pampanga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang matapos ang shooting ng A Werewolf Boy, hindi pa rin nagkaroon ng bakanteng oras si Rabin dahil ang pinagkaabalahan naman niya ang taping para sa Season 2 ng Ang Mutya ng Section E.

Read: Leni Robredo's daughter Tricia announces engagement

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rabin Angeles, who turns 21 today, November 14, 2025, says he would rather sleep than throw a birthday celebration. He explains, “Hindi ko po hilig yung mga birthday party. Itutulog ko na lang para po makumpleto yung tulog ko. Wala rin po akong birthday gift sa sarili ko. Nagtitipid po talaga ako.”
PHOTO/S: @rabinangeles_ on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results