Nagdiwang ng kanyang kaarawan si Ai-Ai delas Alas noong Martes, Nobyembre 11, 2025.
Ilan sa madalas na ipagdasal at kahilingan ni Ai-Ai ay ang madagdagan pa ang mga show niya sa ibang bansa, manatiling maayos ang kalusugan, at maging malusog ang kanyang unang apo na isisilang sa Enero 2026.
Naging makabuluhan din ang kaarawan ni Ai-Ai dahil sa "Haliparot Delulu" — ang bagong single niya na inilunsad sa It’s Showtime nitong Miyerkules,Nobyembre 12.
Ang Star Pop Music ang nag-release ng dance song ni Ai-Ai.
Ipinagdarasal ng Comedy Queen na tangkilikin ng publiko ang "Haliparot Delulu" na tungkol sa mga delusional na babae.
Read: Ai-Ai delas Alas says husband Gerald Sibayan’s green card revoked

AI-AI DELAS ALAS NOT READY TO FALL IN LOVE AGAIN
Mahigit isang taon na ang nakalilipas buhat nang iwanan si Ai-Ai ng kanyang asawang si Gerald Sibayan.
Ayon kay Ai-Ai, fully recovered na siya mula sa isang masakit na kabanata ng buhay niya.
Hindi itinanggi ni Ai-Ai na may mga nagpaparamdam o nanliligaw sa kanya pero sa ngayon, wala raw sa isip niyang muling magmahal.
Lubos ang pasasalamat ni Ai-Ai dahil nasaktan man siya, nagkaroon ito ng maraming kapalit.
Kabilang na rito ang mga sunud-sunod niyang shows sa iba’t ibang bansa; ang pelikulang ginawa nila ni Empoy Marquez; at ang bagong series ng TV5 na pinagbibidahan nila nina JM de Guzman, Shaina Magdayao, at Sid Lucero.
Read: Ai-Ai delas Alas, pinayagan ng GMA-7 gumawa ng project sa TV5
THE MUCH-AWAITED "REWARD"
Higit sa lahat, ang pinakahihintay ni Ai-Ai na magandang balita sa Disyembre 2025 ang itinuturing niyang isa sa pinakamahalagang birthday reward at Christmas gift na kanyang matatanggap.
Tikom muna ang bibig ni Ai-Ai tungkol sa “reward” na kanyang tinutukoy, pero nangako siyang ibabahagi sa publiko ang magandang balita kapag napasakamay na niya ito.
Read: Ai-Ai delas Alas's green card petition for Gerald Sibayan revoked