PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Robin Padilla, iba ang saya sa pagbabalik sa acting

Bad Boy 3 ni Senator Robin Padilla, ipalalabas na pagkalipas ng 11 taon.
by Jojo Gabinete
Published Nov 11, 2025
robin padilla bad boy 3
Senator Robin Padilla on making a comeback as an actor: “Sa totoo lang, iba yung tawag ng pelikula, ng TV. Iba yung nasa puso mo. Iba talaga. Nung nagsu-shooting ako, sabi ni Mariel, ‘Iba yung saya mo, ah!’”
PHOTO/S: Facebook

Madalas makikita ng publiko si Senator Robin Padilla sa mga susunod na araw dahil malapit nang ipalabas sa mga sinehan, sa Disyembre 2025, ang pelikula niyang Bad Boy 3.

Ito ang pinakamatagal na proyektong kanyang ginawa.

“Eleven years in the making ang Bad Boy 3," sabi ni Robin.

"2014 kami nag-umpisa ng filming na nahinto lang nung pumasok ako sa pulitika.

“Hindi as ako, pero marami akong tinulungan nung panahon na iyon, hindi ko na siya nagawa.

“Last year, nagsalita na si Boss Vic [del Rosario, Viva Films producer]. 'Mukha yatang yung advance ko sa iyo…' kaya po itinuloy ko na.”

Read: Eman Pacquiao opens up about being acknowledged by dad Manny Pacquiao

Huling napanood si Robin nang isinalin sa pelikula ang kuwento ng buhay ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa noong 2019.

Nagpahaba ng buhok at nagpatubo ng bigote si Robin para sa karakter na ginampanan niya sa Bad Boy 3.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-ahit lamang si Robin ng bigote nang matapos ang shooting niya para sa Bad Boy 3 na labis na ikinatuwa ng kanyang misis na si Mariel Rodriguez.

Sa panayam ni Boy Abunda kay Robin sa Fast Talk with Boy Abunda, sinabi ng senador, “Malungkot si Mariel kapag may bigote. Ayaw magpahalik.”

Read: News reporters, pumukaw ng atensiyon sa gitna ng bagyong Uwan

ROBIN PADILLA'S LOVE FOR ACTING

Malaki raw ang pagmamahal ni Robin sa industriya ng pelikulang Pilipino kaya walang dahilan para talikuran niya ang pag-arte.

Nagbiro at natawa si Robin nang sinabi nito: “Mas maraming artista sa Senado. Mas marami ang magaling sa akin kaya hindi ko na-miss ang pag-arte.

“Sa totoo lang, iba yung tawag ng pelikula, ng TV. Iba yung nasa puso mo. Iba talaga.

"Nung nagsu-shooting ako, sabi ni Mariel, ‘Iba yung saya mo, ah!’”

Samantala, sa pakikipag-usap ng Cabinet Files kay Robin, sinabi nitong maganda ang epekto ng dalawang araw na water fasting sa katawan at kalusugan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa actor-politician, gumaan nang husto ang pakiramdam niya.

Sinubukan ni Robin ang water fasting noong nakaraang buwan na plano niyang muling gawin.

Pero may paalaala siyang kailangan ng patnubay ng doktor para sa mga nagnanais tularan ang kanyang ginawa.

Read: Kiray Celis, binatikos dahil sa prenup photo niya sa Japan

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Robin Padilla on making a comeback as an actor: “Sa totoo lang, iba yung tawag ng pelikula, ng TV. Iba yung nasa puso mo. Iba talaga. Nung nagsu-shooting ako, sabi ni Mariel, ‘Iba yung saya mo, ah!’”
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results