PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Male news personality, inakusahan ng sexual harassment ng katrabaho

Male news personality, nag-deactivate ng social media accounts.
by Jojo Gabinete
Published Nov 9, 2025
blind item sexual harassment
PHOTO/S: Canva

Trigger Warning: Sexual harassment

Deactivated na ang social media accounts ng isang male news personality mula nang kumalat ang balitang inirereklamo siya ng sexual harassment ng kasamahan niya sa trabaho.

Ilang buwan na ang nakararaan buhat nang mangyari ang insidente, pero ngayon lamang ito napag-uusapan dahil patuloy sa paghahanap ng hustisya ang nagrereklamo.

Nangyari ang hindi makalilimutang karanasan ng complainant sa labas ng kompanyang pinaglilingkuran nila ng kanyang inirereklamo.

“Kinagat,” pinilit hawakan ang kamay, at tinanong umano ng male news personality ang complainant kung naranasan na nito ang “mag-cheat.”

"Ate" ang tawag ng male news personality sa biktima kaya hindi ito makapaniwalang magagawa siyang bastusin ng kasamahan sa trabaho na itinuturing niyang kaibigan.

Read: Senator Bato dela Rosa, inisyuhan ng arrest warrant ng ICC

STILL SEEKING JUSTICE

Ayon sa mga nakakaalam sa buong pangyayari, lasing ang male news personality nang gawin nito ang pambabastos sa complainant.

Nais niyang maparusahan ito, kaya dinaramdam ng complainant — na meron nang sariling pamilya — ang tila mabagal na paggulong ng hustisya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakadagdag din sa sakit ng kalooban na kanyang nararamdaman ang mga papuring natatanggap ng male news personality na inirereklamo niya ng harassment.

Malaki ang posibilidad na mawala ang paghanga ng publiko sa male news personality sa sandaling lumantad at magsalita ang complainant tungkol sa kanyang mapait na karanasan na inihahanap niya ng katarungan.

Read: Slater Young’s Monterrazas project blamed by netizens for Cebu flooding

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results