Exclusive contract artist ng sikat na entertainment company ang aktor, pero matagal na itong hindi nabibigyan ng mga proyekto.
Ang dahilan: bilib na bilib sa sarili ang aktor.
Nang mag-umpisa ang showbiz career ng aktor, ang kawalan ng talento sa pag-arte ang kapintasan niya.
Gumawa siya ng paraan. Sumailalim ang aktor sa acting workshops.
Dahil sa pagsusumikap, natuto siyang umarte.
Napansin at pinuri ang acting ability ng aktor sa isang proyekto kunsaan isa siya sa mga bida.
Read: Nawat Itsaragrisil, humagulhol sa harap ng media
THE NEGATIVE EFFECT
Pero nagkaroon ng negatibong epekto sa ugali ng aktor ang mga papuring natanggap niya dahil naging mayabang siya.
Sa taping ng isang drama series, pagkatapos kunan ang madamdaming eksena ng aktor, lumapit ito sa production staff.
Buong pagmamalaking sinabi niya: “Ang galing ko! Ang galing ko, di ba?”
Hindi ikinabigla ng production staff ang inasal ng aktor dahil mula nang magkaroon ito ng pangalan, sila ang unang nakapansin ng pagbabago ng kanyang ugali.
Hindi lamang basta yumabang ang aktor dahil sumobra ang pagkabilib niya sa sarili. Pakiramdam niya ay magaling na magaling na siyang artista.
Mapapansin sa mga nakaraang social media post ng aktor ang pagbabahagi nito sa mga artikulong pumupuri sa kanyang pagganap.
Pero hindi consistent ang husay niya sa pag-arte.
Mas marami ang pagkakataong sumasablay siya dahil sa mga karakter na ginagampanan niyang hindi bagay sa kanya.
Hindi lamang ang hit-or-miss acting ability ng aktor ang rason kaya hindi ito binibigyan ng proyekto ng home studio niya.
Higit na nangingibabaw ang pagkainis ng mga kasamahan sa trabaho dahil sa kanyang pagmamalaking magaling siyang umarte.
Read: Anjo Yllana concedes bluff, calls ceasefire with Sen. Tito Sotto