PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Wilyonaryo ni Willie Revillame, naglabas na ng teaser

Wilyonaryo ni Willie Revillame, naglabas na ng teaser
by Jojo Gabinete
Published Nov 3, 2025
willie revillame wilyonaryo
Willie Revillame’s upcoming show Wilyonaryo has released its first teaser, though details on its playdate and network have yet to be announced.
PHOTO/S: Facebook

Ang inilabas na teaser ng Wilyonaryo ang hudyat ng pagbabalik ni Willie Revillame bilang game show host.

Pero hindi pa kinukumpirma ang eksaktong petsa ng pagsisimula ng kanyang bagong programa.

Diumano, maaaring ilunsad ang Wilyonaryo bago sumapit ang Pasko o bago niya ipagdiwang ang kanyang kaarawan sa Enero 27, 2026.

Hindi pa rin nagsasalita si Willie tungkol sa TV network na babalikan niya dahil may mga nagaganap pang negosasyon — isang indikasyong walang katotohanan ang mga pang-iintrigang wala na umanong TV station na nais kumuha ng kanyang serbisyo.

Read: Anak ni Manny na si Eman Bacosa, binansagang "Piolo Pacquiao" ng netizens

WILYONARYO REGISTERED UNDER WILLIE'S NAME

Nakarehistro sa pangalan ni Willie ang "Wilyonaryo," na pamagat ng game segment ng Wowowee, ang top-rating program niya noon sa ABS-CBN.

Orihinal na konsepto ni Willie ang Wilyonaryo, kung saan isang milyong piso ang araw-araw na premyong ipamimigay sa mapapalad na magwawagi.

Malaki ang tsansa ng mga Pilipino mula sa Luzon, Visayas, Mindanao, at sa iba’t ibang panig ng mundo na manalo sa Wilyonaryo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa inilabas na teaser video sa official Facebook page ni Willie, makikita ang mga kahong may mga lumalabas na letra at kulay na may nakasulat na “Sa bawat letra at kulay, may suwerteng magpapabago ng buhay!”

Ikinatuwa ng matatapat na tagahanga at tagasuporta ni Willie ang anunsiyo tungkol sa kanyang nalalapit na pagbabalik dahil hindi pa siya nagpapakita sa publiko mula noong May 2025 elections.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang hindi nila alam, ang pagbuo sa konsepto ng Wilyonaryo ang pinag-ukulan ng panahon at atensiyon ni Willie, pati na ang pagpapagawa niya ng "world-class hotel" sa kanyang private resort sa Puerto Galera.

Sa pakikipag-usap ni Willie sa Cabinet Files, tiniyak niyang magugustuhan at maaaliw ang mga Pilipino sa Wilyonaryo.

Tulad ng pamagat ng kanyang bagong programa, isang milyong piso raw araw-araw ang maaaring mapanalunan ng mga masusuwerteng maglalaro.

Read: Sugar Mercado no bad blood with ex-boyfriend Willie Revillame

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willie Revillame’s upcoming show Wilyonaryo has released its first teaser, though details on its playdate and network have yet to be announced.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results