Bago pa nag-umpisa ang gabi ng parangal ng 1st CineSilip Film Festival noong Lunes, Oktubre 27, 2025, matunog na ang balitang si Martin del Rosario ang mananalong best actor dahil sa kanyang pagganap sa Haplos sa Hangin.
Ilang minuto bago nagwagi si Martin, nagkaroon ng pagkakataon ang Cabinet Files na makausap siya.
Nang tanungin tungkol sa balitang posibleng maiuwi niya ang best actor award, sinabi ni Martin na hindi siya umaasang magwawagi.
Pero inalam pa rin namin ang kanyang magiging acceptance speech kung sakaling siya ang magwagi.
Ayon sa aktor: “If ever, magpapasalamat ako sa CineSilip.
"Kasi first ever award ko at nabigyan niya ng opportunity yung mga filmmaker, kaming mga aktor, na maging parte ng matatapang na pelikula.”
Read: Dreamboi, humakot ng awards sa 1st CineSilip Film Festival
STIGMA ON EROTIC MOVIES
Nang ianunsiyo na siya ang nanalo, pinasalamatan nga ni Martin ang mga bumubuo ng CineSilip Film Festival.
Panawagan pa niya: “Sana after this festival, mawala na yung stigma sa erotic movies na pinu-forward-forward nila sa sex scenes dahil walang kuwento, pero hindi naman talaga ganoon.
“Kaya naman natin gumawa ng sexy movies na may kuwento rin.
"At sana maging bukas ang isip ng lahat o ng mga institusyon sa usaping sex, kasi parte naman yan ng katotohanan sa buhay.”
Ang best actor award mula sa 1st CineSilip Film Festival ang karagdagan sa mga acting trophy na napanalunan ni Martin mula sa Gawad Urian, Asian TV Awards, Pista ng Pelikulang Pilipino, at Golden Screen Awards for Movies.

Sixteen years old lang si Martin nang mag-umpisa ang showbiz career nito, at 18 years old siya nang mahalin niya ang kanyang propesyon.
“Eighteen years old ako nang ma-realize ko na kaya ko pala na gawin. Yun ang nagbigay sa akin ng drive na nasa tamang track ako.
“Hindi ko naman talaga inasam na maging star. Hindi iyon ang goal ko.
"Ang gusto ko, tumagal sa industriya kasi mahal ko yung ginagawa ko. Kaya kahit kulubot na yung mukha ko, kahit humihina na ang joints ko, gusto ko pa rin makapagtrabaho,” sabi ni Martin, na 32 years old na ngayon.
Read: Singer Jona Viray opens up about childhood abuse by her father
MICAELLA RAZ HAPPY FOR SISTER ANGELA MORENA
Ang sexy actress na si Angela Morena ang nagwaging best actress sa 1st CineSilip para sa karakter na ginampanan niya sa Padaong.
Bahagi ng acceptance speech ni Angela: “I hope everyone would see our film.
"Sa lahat ng mga bumuo ng CineSilip Festival, maraming salamat. Kayo ang nagbukas ng opportunities sa mga ganitong klase ng kuwento na hindi basta-basta naipalalabas lalung-lalo na dito sa Pilipinas.
“I hope and pray that this CineSilip Festival will be an instrument for change lalo na sa film industry.
"Maraming-maraming salamat po. I am so humbled."
Habang nagsasalita si Angela, ang reaksiyon ng kanyang kapatid at kapwa VMX star na si Micaella Raz ang pinagtuunan namin ng pansin.
Mula sa entablado na kanyang kinatatayuan, tiyak na hindi napansin ni Angela ang pagluha ni Micaella na tuwang-tuwa dahil sa tagumpay niya.
Kitang-kita sa mukha ni Micaella ang kaligayahan at pagmamalaki na nararamdaman para sa kanyang kapatid na itinanghal na best actress.

Halos magkakasunod na pumasok sa showbiz si Angela at ang kanyang mga kapatid na sina Micaella at Stephanie Raz.
Sa kanilang tatlo, si Angela ang kauna-unahang nanalo ng acting award at malaking tagumpay ito para sa kanila.
Read: Descendant of Manuel Quezon confronts director Jerrold Tarog and actor Jericho Rosales