Sina Martin del Rosario, Angela Morena, at ang Dreamboi ang big winners sa awards night ng 1st CineSilip Film Festival na ginanap sa Viva Café, Araneta City, Cubao, Quezon City, ngayong Lunes, Oktubre 27, 2025.
Humakot ng pinakamaraming awards ang kontrobersiyal na Dreamboi, kabilang na ang Best Film, Best Director para kay Rodina Singh, at Best Supporting Actor para kay Migs Almendras.
Bukod dito, nagwagi rin ito sa mga kategoryang Best Sound, Best Cinematography, Best Editing, at Best Production Design.
Ang Dreamboi rin ang tumagggap ng Audience Choice Award.
Read: Heart Evangelista’s personal assistant rants against Vice Ganda
Nagwaging Best Actor si Martin del Rosario para sa kanyang pagganap sa Haplos sa Hangin.
Best Actress si Angela Morena para sa Pagdaong.
Best Supporting Actress si Chloe Jenna mula sa pelikulang Maria Azama.
Ang Haplos Sa Hangin ang nagwagi ng Best Screenplay at Best Musical Score.

AUDIENCE CHOICE AWARD
Ang Audience Choice ang unang parangal na tinanggap ni Singh.
Bahagi ng kanyang nakaiintrigang acceptance speech: “Gusto ko munang pasalamatan yung lahat ng nag-show up sa sinehan kasi, surprisingly, napupuno ho namin yung mga sinehan.
“Napupuno enough para ma-bother yung iba na bakit mas marami ang nanonood ng CineSilip kesa sa Quezon.”
Ito ang sagot ng transwoman director sa Facebook post ni FDCP Chair Jose Javier Reyes na: “Why are there more people watching the [CineSilip] movies than an ambitious epic of historical note like Quezon? I shall not sleep well tonight thinking about this.”
Pagpapatuloy ni Singh sa kanyang acceptance speech: “Nagsasabi lang ako kasi I think a lot of people are missing out what this festival could bring to the table.
“We are 180 million Filipinos. Ang daming malibog sa Pilipinas.
"CineSilip is here to exist kasi kailangan natin ng mga ganitong pelikula, festival para sabihin na ang pakikipagtalik ay hindi lamang para mag-anak, di ba?
“Ang pakikipagtalik ay masarap at pleasurable, at iniaalay ko po ito sa lahat ng nanood.”
Read: Joey Reyes, nababahala na mas pinapanood ang CineSilip movies kesa Quezon
VMX STARS REUNION
Nagsilbing reunion ng mga artista ng VMX movies ang gabi ng parangal ng 1st CineSilip Film Festival dahil sa kanilang pagdalo at buong pusong suporta.
Ang tagumpay ng 1st CineSilip Film Festival ang patunay na may puwang sa Philippine movie industry ang Vivamax at ang mga artista nito.
Isang malaking karangalan din para sa kanila ang pagkakaroon ng sariling film festival, ang CineSilip, na tinangkilik ng manonood.
Ito ay kahit for adults only ang tema ng lahat ng mga pelikula na ipinalabas sa mga sinehan ng Ayala Malls.
Read: PBB Celebrity Collab Edition 2.0: Meet the 20 housemates