PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sam Verzosa, nagba-background check sa mga bumibili ng Maserati?

Sam Verzosa, wala nang balak tumakbo sa politika?
by Jojo Gabinete
Published Oct 27, 2025
sam verzosa maserati buyers
Sam Verzosa, president of Modena Motorsports Inc., the official distributor of Maserati in the Philippines, on doing background check on buyers: "Sometimes hindi namin nagagawa yung mga background check and most of the time, hindi rin naman namin alam kung legit ka ba or what. Hindi na namin naitatanong yan."
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Ang Maserati Levante na nagkakahalaga ng halos siyam na milyong piso ang isa sa mga mamahaling sasakyan na pag-aari ng mag-asawang Sarah at Curlee Discaya.

Kabilang ito sa kinumpiska ng Bureau of Customs dahil sa pagkakasangkot ng mag-asawang contractors sa maanomalyang flood control projects ng pamahalaan.

Sa isang panayam kay Sarah, sinabi nitong biglaan lamang ang kanyang pagbili sa Maserati Levante pero hindi niya nagamit.

“Noong lumabas siya [Maserati]. bumili kami. Hindi rin siya nagagamit. Anak ko rin ang gumagamit,” kuwento noon ni Sarah.

Read: All 38 featured vehicles of the Discaya family and their prices

discaya maserati
The Discaya family's Maserati Levante in Grigio Maratea parked at the garage of their office in Pasig City.
Photo/s: Julius Babao Unplugged YouTube / File
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BACKGROUND CHECK ON MASERATI BUYERS

Si Sam Verzosa ang presidente ng Modena Motorsports Inc., ang exclusive distributor ng Maserati cars sa Pilipinas.

Sa pakikipag-usap sa kanya ng Cabinet Files, sinabi nitong hindi siya pamilyar sa mga Discaya.

“Hindi ako familiar [sa kanila] but anyone can buy a Maserati,” reaksiyon ni Sam.

Tinanong ng Cabinet Files si Sam kung may ipinatutupad ba siyang background investigation sa mga bumibili ng Maserati cars.

“Not all the time I am here," sagot niya.

"Sometimes hindi namin nagagawa yung mga background check and most of the time, hindi rin naman namin alam kung legit ka ba or what.

"Hindi na namin naitatanong yan.

“We know a lot of businessmen, some politicians, they buy Maserati and hindi namin basta-bata idina-divulge yung mga yan for their privacy.

“Basta kapag may bumibili, may mga kausap sila na sales people.”

Read: Sam Verzosa, may "resibo" sa bonggang bahay at luxury cars

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SAM VERZOSA ON POLITICS AND WEDDING PLANS

Tila wala nang balak kumandidato si Sam sa eleksyon sa Mayo 2028 matapos mabigong mahalal na alkalde ng Maynila noong Mayo 2025.

Saad niya: “Walang plano, ang plano ko, ayusin ang buhay ko, palakihin ang mga negosyo at tumulong sa mas maraming tao. Yun na lang muna.

“Medyo magulo ang pulitika ngayon. Focus tayo sa mga negosyo, saka sa mga bagay na may kabuluhan at makakabago ng buhay ng maraming tao.”

Read: Rhian Ramos umaming umiyak si Sam Verzosa nang matalo sa eleksyon

Tinanong din ng Cabinet Files si Sam tungkol sa wedding plans nila ng kanyang karelasyon na si Rhian Ramos.

”Ay…abangan na lang natin. Abangan na lang natin,” sabi ni Sam.

“Maraming nangyayari at sabi ko nga, kung saan tayo dalhin ng tadhana, kung saan tayo dalhin ng Diyos, kung para sa atin, para sa atin yan.

“Minsan, dinadala ka ng Diyos dito. Akala mo dito ka papunta, pero sa kabila ka pala Niya gustong papuntahin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“May better plans Siya for you so I believe in the plans of God, and yun lang ang inaantay natin.”

Read: Rhian Ramos on wedding talks and prenuptial agreement

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sam Verzosa, president of Modena Motorsports Inc., the official distributor of Maserati in the Philippines, on doing background check on buyers: "Sometimes hindi namin nagagawa yung mga background check and most of the time, hindi rin naman namin alam kung legit ka ba or what. Hindi na namin naitatanong yan."
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results