Hindi lamang ang back-to-back victory nila ni Miss Grand International 2024 Christine Juliana Opiaza ang ipinagbubunyi ng pageant veteran na si Emma Mary Tiglao.
Read: Emma Mary Tiglao clinches back-to-back Miss Grand International crown for PH
May higit pang malalim na dahilan ang nag-uumapaw na kaligayahan na nararamdaman niya.
Doble ang selebrasyon niya noong Oktubre 18, 2025: bukod sa ito ang gabing kinoronahan si Emma bilang 13th Miss Grand International, ito rin ay kaarawan ng kanyang ina na si Lhita Tiglao.
Kaya naman ang tagumpay ni Emma sa Miss Grand International 2025 ang regalo niya para sa kaarawan ng kanyang ina na personal na nasaksihan ang koronasyon.
Lumipad sa Bangkok, Thailand, ang mga magulang ni Emma para panoorin ang coronation night ng international beauty pageant na sinalihan ng kanilang anak, at ito ang unang pagkakataon na bumiyahe sila sa ibang bansa.

Hindi nabalewala ang pagod at perang ginastos ng mga magulang ni Emma dahil nakuha ng anak nila ang pinakaaasam na korona.
Maligayang-maligaya rin si Emma dahil bukod sa kaarawan ng nanay niya nang manalo siyang 13th Miss Grand International, natupad ang kanyang pangarap na magkaroon ng international beauty title.
Matapos koronahan ni Opiaza si Emma, pinatugtog ang "Lupang Hinirang," ang Philippine national anthem na buung-buo na sinabayan niya ng pagkanta habang nakalagay ang kanyang palad sa dibdib.
Nakuha ni Miss Grand International 2020 Abena Appiah ng Amerika ang respeto at paghanga ng mga Pilipino, dahil nakunan siya ng kamera na nakapatong din sa dibdib ang kanyang palad habang pinatutugtog ang "Lupang Hinirang."

Nakapangingilabot na sandali ang pagpapatugtog sa pambansang awit ng Pilipinas, hindi lamang dahil sa tagumpay ni Emma.
Ito ay dahil sa malaganap na kurapsyon na matagal nang nangyayari sa Pilipinas na kagagawan ng mga nakaupo sa pamahalaan kaya parang nawalan na ng saysay ang linyang “Ang mamatay nang dahil sa ’yo.”
Read: FULL TRANSCRIPT: Miss Grand International 2025 Top 5 Q&A portion
Tila hindi na gugustuhin ng mga Pilipino na mamatay para sa bayan dahil sa mga corrupt at ganid na public official na lumulustay sa pera ng bansa pero sila pa ang mga nagpapanggap na inosente, walang kasalanan, at biktima ng mga panghuhusga sa kabila ng mga matitibay na ebidensya.