PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sarah at Curlee Discaya, sinampahan ng BIR ng tax evasion

Sarah at Curlee Discaya, hindi umano nagbayad ng buwis na aabot sa PHP7 billion.
by Jojo Gabinete
Published Oct 9, 2025
sarah discaya curlee discaya senate
Contractors Curlee and Sarah Discaya face tax evasion complaints filed by the Bureau of Internal Revenue, with over PHP7 billion in unpaid taxes.
PHOTO/S: Senate of the Philippines Facebook

Patuloy na nadaragdagan ang mga problema ng mag-asawang contractor na sina Sarah at Curlee Discaya.

Hindi pa tapos ang imbestigasyon sa pagkakasangkot nila sa mga anomalya sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH), pero may panibago silang kasong kinakaharap.

Ito ay ang tax evasion complaint ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Inihain ng BIR ang mga reklamo laban sa mag-asawang Discaya nitong Miyerkules, Oktubre 8, 2025.

Read: Curlee Discaya claims politicians, 120M Filipinos want them dead

PHP7 BILLION UNPAID TAXES

Kinumpirma ito ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. sa pamamagitan ng Facebook post nito.

Isiniwalat ni Lumagui na nagkakahalaga ng pitong bilyong piso (PHP7 billion) ang buwis na hindi binayaran ng Discaya couple.

Inaasahan niyang marami pa ang matutuklasan nilang atraso nina Sarah at Curlee dahil sa ginagawa nilang audit o pagsusuri.

Read: Curlee Discaya, gustong bawiin ang PHP60M mula kay Arjo Atayde

Nakasaad sa post ni Lumagui: “Ngayong araw, naghahain ang BIR ng multiple tax charges laban kina Pacifico 'Curlee' Discaya II, Cezarah Rowena 'Sarah' Cruz Discaya, at isang corporate officer ng St. Gerrard Construction Gen. Contractor & Development Corporation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Batay sa imbestigasyon ng BIR, may kabuuang PHP7.1 bilyong tax liabilities ang mag-asawang Discaya, kabilang ang hindi nabayarang individual income taxes, excise taxes ng siyam na luxury vehicles, at documentary stamp taxes.

“Ito pa lamang ang simula. Patuloy ang aming audit sa mga kumpanya ng Discaya, at inaasahan naming mas marami pang tax deficiencies ang mabubunyag at maisasampa sa korte.

“Ang hindi pagbabayad ng buwis ay isang mabigat na paglabag sa batas, at sisiguraduhin naming mapanagot ang mga sangkot.

“Kung may alam kayong contractor na umiilag sa kanilang obligasyon, isumbong sa commissioner@bir.gov.ph"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Humarap sa mga miyembro ng media si Lumagui para ipakita ang mga dokumento ng patung-patong na reklamo na inihain ng kanyang tanggapan laban sa mag-asawang pinararatangang malaki ang ninakaw mula sa kaban ng bayan dahil sa mga substandard flood control at ghost projects nila para sa DPWH.

Related Stories:

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Contractors Curlee and Sarah Discaya face tax evasion complaints filed by the Bureau of Internal Revenue, with over PHP7 billion in unpaid taxes.
PHOTO/S: Senate of the Philippines Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results