Apat na kaso ng perjury ang reklamong inihain ng aktor at senador na si Jinggoy Estrada laban kay dismissed DPWH Bulacan first district assistant engineer Brice Hernandez.
Si Hernandez ang nagdawit sa pangalan ni Estrada sa anomalya sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Nangyari ang paghahain ni Estrada ng reklamo laban kay Hernandez sa Quezon City Prosecutor’s Office ngayong Martes ng umaga, Oktubre 7, 2025.
Read: Revilla, Estrada, Villanueva, Co tagged by ex-DPWH official
ESTRADA CALLS HERNANDEZ "HABITUAL LIAR"
Sa panayam sa kanya ng mga miyembro ng media, tinawag ng senador na “habitual liar” ang dating DPWH official.
Saad ni Estrada: “Ini-insinuate niyang may pumuntang babae, si Mina Jose, sa aking tanggapan at nagbibigay daw ng commitment.
“It turned out, hindi naman sa akin pumunta, sa ibang opisina.
"So, talagang makikita mo na talagang habitual liar itong Brice Hernandez.”
Muling pinabulaanan ang actor-turned-politician ang testimonya ni Brice sa House of Representative’s Infrastructure Committee hearing noong Setyembre 9, 2025.
Read: Revilla, Estrada, Villanueva, Co deny kickback allegations
Pahayag ni Estrada: “Ang sabi ni Brice Hernandez, tumatanggap daw ako ng kickback na 30 percent. Meron daw akong tinanggap.
"Ang itinuro niya, si Henry Alcantara."
Si Alcantara ang sinibak sa puwestong district engineer ng DPWH sa Bulacan First District dahil sangkot din sa flood control project anomalies.
Pagpapatuloy ng senador: “Nung nag-testify si Henry Alcantara, binanggit ang pangalan ko.
"Pero sinabi niya wala siyang transaksyon sa akin, so paano siya magbibigay ng pera sa akin kung wala siyang transaksyon sa akin?
“Sinabi ni Alcantara, itinuro niya si Usec. Bernardo [resigned DPWH Undersecretary Roberto Bernardo], na si Usec. Bernardo daw ang nakikipag-usap sa pulitiko.
"E, hindi naman binanggit ni Usec. Bernardo yung aking pangalan nung nakaraang hearing?
“So, double hearsay, triple hearsay itong ginagawa nila sa akin.
"Talagang gusto nila talaga akong sirain sa publiko dahil I am the most vulnerable amongst all the senators dahil sa aking isyu noong nakaraan.”
Ang tinutukoy na "isyu" ni Estrada ay ang plunder charge na isinampa sa kanya noong 2001 dahil sa pagkakasangkot niya sa pork barrel scam.
Inakusahan noon si Estrada ng pagbubulsa ng PHP183 million kickback mula sa mga pekeng proyekto.
BRICE HERNANDEZ CAMP'S RESPONSE TO ESTRADA
Mabilis ang sagot ng kampo ni Hernandez sa mga kaso na isinampa ni Estrada.
Ayon sa legal counsel niyang si Atty. Ernest Levanza: “We will defend Brice vigorously and remain steadfast in our confidence in the law, in jurisprudence, and in the enduring principle that no citizen should be punished for telling the truth.”
Read: Escudero, Villanueva, Estrada, Revilla face prosecution over flood control mess