Pitong mapapangahas na pelikula ang opisyal na kalahok sa 1st Cine Silip Film Festival na mag-uumpisa sa Oktubre 22, 2025 at magwawakas sa Oktubre 28.
Eksklusibong mapapanood sa mga sinehan ng Ayala Malls ang mga sumusunod na pelikula:
Babae Sa Butas
Dreamboi
Haplos Sa Hangin
Pagdaong
Salikmata
Ang Lihim ni Maria Makinang
Maria Azama, Best P*rnstar
Mga bida sa mga pelikulang kalahok sa Cine Silip ang VMX stars sa pangunguna nina Gold Aceron, Jenn Rosa, Skye Gonzales, Karen Lopez, Aerol Carmelo, Chloe Jenna, Aiko Garcia, Micaella Raz, Christy Imperial, Chester Grecia, at Angela Morena.
Dumalo sa paglulunsad ng 1st Cine Silip sa Viva Café, Cubao, Quezon City, ngayong Huwebes, Oktubre 2, si Tony Labrusca, ang bida sa Dreamboi; ang Haplos Sa Hangin lead actor na si Martin del Rosario; at si Van Allen Ong ng Babae Sa Butas.
Read: Ping Lacson pinatutsadahan sina Kiko Barzaga at Rodante Marcoleta?
INAUGURAL CINE SILIP FILM FESTIVAL
Ayon sa festival director na si Ronald Arguelles, ang Cine Silip Film Festival ang kauna-unahang pinakamapangahas na film festival.
Bahagi ng kanyang talumpati: “Welcome to the inaugural Cine Silip Film Festival, ang bagong festival ng mga pelikulang mapangahas, matapang, at naiiba.
“The festival is showcasing exciting works from emerging Filipino directors aiming to discover fresh voices for the platforms of Viva and Philippine cinema.
“Today, we are witnessing new beginnings, bagong pag-iisip, bagong perspektibo at mga boses na handang maglahad ng ilang kuwento.
“So this is just not a festival. It’s a platform for fearless storytelling, space kung saan welcome ang eksperimento at kung saan lumalabas ang tunay na creativity ng mga Pinoy.
"Today, we will meet the risk takers, the dreamers, and the filmmakers of the seven new feature films.
"These films will make you laugh, cry, question, and maybe even feel uncomfortable the magic of daring cinema.
“Cine Silip is here to prove na buhay na buhay ang Filipino cinema. Evolving at nagpapatuloy and ready to take a new world,” pahayag ni Arguelles.
Read: Karylle, hindi open maging kaibigan ang ex na si Dingdong Dantes