Ang Everyone Knows Every Juan ang bagong proyekto ni Alessandra de Rossi bilang artista, direktor, at producer ng pelikula.
Ipinagtapat ni Alessandra na hindi naging madali para sa kanyang maging artista at direktor ng Everyone Knows Every Juan dahil dalawang araw lamang niya kinunan ang lahat ng mga eksena ng pelikula.
Bukod kay Alessandra, bida rin sa pelikula sina Gina Alajar, Edu Manzano, Joel Torre, JM de Guzman, Ronnie Lazaro, Ruby Ruiz, Angeli Bayani, Kelvin Miranda, Empoy Marquez, at Jaime Fabregas.
Read: Lindol sa Cebu at pagputok ng Taal Volcano, yumanig sa Pilipinas

TWO-DAY SHOOTING FOR AN AMBITIOUS PROJECT
Pinatotohanan ni Gina na isang malaking pagsubok ang dalawang araw na shooting ng kanilang “ambitious project.”
Lahad ng beteranang aktres at direktor: “Sa totoo lang, natakot ako. Ang unang-unang pumasok sa isip ko, it’s very ambitious.
"Pero hindi ko naman minamaliit ang kakayahan ni Alex as a director.
"Pero before, sabi ko, baka hindi pa time para sa kanyang idirek ang ganoong kalaki, thinking na kung saan-saan nakakarating.
“We were not moving in one place only. Hindi kami nasa bahay lang.
"We were in our house, lumabas kami, nagsakay kami ng camper, umikot kami ng Luneta.
“Mahirap talaga and iisa yung kamera namin, kaya sabi ko, very ambitious."
Read: Ben Tulfo castigates nephew Congressman Ralph Tulfo over P6.7M splurge
Pag-amin pa ni Gina: "At ang fear ko for myself, lalung-lalo na because, siyempre, the memory is not that sharp anymore.
“Sabi ko, 'Papaano yan kapag nagkamali tayo? Uulit na naman tayo sa simula,' which is totoo naman, ganoon ang mangyayari.
“Sabi ko, ‘Alex, halos lahat kami senior. Siguro kailangan bigyan mo kami ng time para memorized.’
“Siguro let’s rehearse for one month para katulad ng play. Kahit sa Zoom lang para mag-throw lines lang.
“But then, hindi ginagawa. Ang ibinigay na schedule, dalawang araw na rehearsals. 'Papaano kung makalimutan nga natin yung mga linya?'
"Pero wala, e. It’s a challenge for everyone.
“But then, the satisfaction naman after that, it’s indescribable.”
ALESSANDRA DE ROSSI AS A DIRECTOR
Saludo raw si Gina sa husay ni Alessandra bilang direktor ng kanilang pelikula.
Ano ang mga katangian ni Alessandra na nagustuhan niya?
Saad ni Gina: “Ay naku, ang masasabi ko, si Alex, alam niya kung ano ang gusto niya.
“Siya ay isang direktor na hindi masyadong marami ang sinasabi dahil alam ko na may respeto siya sa mga artistang idinidirek niya, but hindi siya natatakot sabihin sa artista kung ano ang gusto niya.
“Walang intimidation, and it’s a happy set with her dahil she’s a very happy person. Walang dull moments sa kanya.
“Masayahin siyang tao, a jolly person. But you know what? Trivia ito, I directed Alessandra when she was 14 years old sa TV series na Kirara [1999-2001].
“Noon pa lang, nasabi ko na, nag-uusap kami ni Amy Austria. Sabi ko, ‘Magaling ang batang ito.’
“Anong sagot mo sa akin nung sinabi ko yon?” tanong ni Gina kay Alessandra.
Natatawang sabi ni Alessandra, “Alam ko naman yon.”
Pinasalamatan ni Gina si Alessandra dahil hindi niya inaasahang makakasali siya sa cast ng Everyone Knows Every Juan—isang karanasang nagpasaya raw sa kanya.
Saad ni Gina: “Masayang-masaya ako dahil kasama ako sa pelikulang ito kasi hindi ko ine-expect na maalaala niya akong isama sa pelikula.
“Dahil alam ko, sa dami ng mga nakatrabaho niya, hindi ko alam kung nasaan akong numero sa puso niya.
"Kaya nang dumating sa akin ang deck, nagulat ako. I saw my name, first choice.
“Walang ibang nakalagay tapos nakalagay 'directed by Alessandra de Rossi.'
"Wala lang, no questions asked, and I was just so excited.”
Ipalalabas ang Everyone Knows Every Juan sa mga sinehan simula sa Oktubre 22, 2025.
Read: Annette Gozon-Valdes defends Shuvee Etrata from critics