Naghain ng magkahiwalay na reklamo ang aktres na si Nadia Montenegro kaugnay ng alegasyong paggamit niya umano ng marijuana sa Senado.
Kasama ang kanyang legal counsel na si Atty. Maggie Abraham-Garduque, nagsadya si Nadia sa Caloocan Prosecutor’s Office at Pasay City Prosecutor's Office ngayong Miyerkules, Oktubre 1, 2025.
Read: Nadia Montenegro denies using marijuana in the Senate
Unang nagsadya si Nadia sa Caloocan Prosecutor’s Office kaninang umaga upang maghain ng reklamong libel laban sa media outlets na inakusahan siyang gumamit ng marijuana.
Ngayong hapon naman ay nagtungo ang aktres sa Pasay City Prosecutor's Office para sa mga reklamong unjust vexation at violation of Safe Spaces Act na isasampa niya laban sa isang empleyado ng Senado.
“Two cases today. One in Caloocan and later sa Pasay,” pahayag ni Atty. Garduque sa panayam sa kanya ng mga miyembro ng media kaninang umaga.
"For this case, it’s for libel. So, of course, the jurisdiction of that is the actual residence of Nadia, and she’s residing in Caloocan.
“For the unjust vexation and the violation of Safe Spaces Act, kung saan nangyari yung krimen, which is in Senate of the Philippines, so Pasay City siya.”
Read: Ben Tulfo castigates nephew Congressman Ralph Tulfo over P6.7M splurge
NADIA MONTENEGRO WARNED AGAINST PEOPLE ENVIOUS OF HER
Ibinahagi naman ni Nadia ang kuwento tungkol sa pakikipag-usap niya sa isang tao na nagbigay umano sa kanya ng babalang mag-ingat siya dahil sa mga naiinggit sa kanya.
Lahad niya: “He asked me where the senator [Robin Padilla] was and I told him he was downstairs. Maybe he wanted to talk to the senator, that’s what I thought.
“And then he asked, and then, 'Dito na lang tayo sa right side ng hallway.'
"I asked him why, and then he said, 'Between you and me lang. Ingat ka, maraming naiinggit sa yo dito.’
“And I said, "Bakit?' Kung meron nga daw akong nakasalubong na staff ng isang senator sa hallway ng CR na nabugahan ko ng amoy marijuana.
“That is why I showed him my vape and I even offered him to check my bag. I gave him my bag.
"And then, after that, nagulat na lang ako that there was a photo that came out on TV and all over the news, na that was the time that I was apprehended, which is not true.”
Nagtrabaho si Nadia sa opisina ni Senator Robin Padilla bilang political affairs officer, pero nagbitiw siya sa tungkulin noong Agosto 15, 2025 dahil sa mabigat na paratang ng paggamit niya umano ng marijuana.
Nauna nang pinabulaanan ni Nadia sa incident report na isinumite ni Victor Patelo ng Legislative Service Office noong Agosto 14, 2025, ang bintang ng tauhan ni Senator Panfilo Lacson tungkol sa diumano’y paggamit niya ng marijuana sa comfort room sa 5th level ng Senate building.
Vape daw ang kanyang dala at ito ang naamoy ng nagsumbong.
Read: Nadia Montenegro resigns from Senator Robin Padilla’s office